• 5 •

18.5K 515 31
                                    

Andie's POV

Ano ba itong ginagawa ko?  Bakit ko ginagawa ito?  I just met this man yesterday pero bakit ako nakikipaghalikan na sa kanya?  Oh my god.  Grabe kasi ang lakas ng personality niya.  At ang sarap pa niyang humalik!  Ayoko na yatang tigilan 'to.

Pareho kaming nagulat ng may kumalabog sa loob ng bahay.  Mabilis siyang humiwalay sa akin at napatingin.

"Is there someone inside?" Tanong niya.

Kinakabahang umiling ko.  Alam ko wala pa si mommy.  She is still in Cebu with her friends para sa isang seminar at bukas pa siya babalik.

"Baka pusa lang," sabi ko pero kinakabahan talaga ako. 

"Cats don't make loud sounds like that.  Give me your keys and stay in the car.  Lock it," utos ni Tim sa akin.

Mabilis kong ibinigay ang susi sa kanya at bumalik sa kotse niya.  Sinunod ko ang utos niyang mag - lock doon.  Tim went inside the house at pagkaraan ng ilang minuto ay lumalabas na din siya.  Sinenyasan niya akong bumaba na.

"Wala namang kakaiba sa loob.  Baka nga pusa lang," sabi niya.

Napailing ako at napatawa.  Naisip kong baka mga maligno lang iyon dito sa bahay namin at pinapahinto ako sa ginagawa kong pakikipaghalikan sa lalaking ngayon ko lang nakilala.

"Thanks for bringing me home." Sabi ko sa kanya.

"You're not going to invite me inside?  You're going to stay there alone?" Seryosong tanong niya.

Napatawa ako.

"I won't invite you inside.  Baka isumbong ako ng mga kapitbahay namin sa mommy ko na nagpapasok ng lalaki dito sa bahay." Tumatawang sabi ko.

Natawa din siya.  "Hindi ka naman na highschool.  I think you are old enough to think about what people might think of you."

"Kahit na.  Hindi pa rin kita papapasukin.  Ngayon nga lang kita nakilala.  Malay ko ba kung serial killer ka.  I don't even know your real name.  Just Tim.  I am Tim," at ginagaya ko pa ang paraan ng pakikipagkilala niya sa akin kagabi.

Napahalakhak si Tim kaya lalo akong natawa.  Grabe ang personality niya.  If he is serious, he is really serious.  Nakakatakot.  But right now, he is laughing and everything is so lively.

"Fine.  My name is Mason Timothy Gonzalez.  I am thirty two.  Single, hindi ako babaero, hindi rin ako manloloko." Pinipigil niya ang pagngiti habang sinasabi iyon.

"And how will I know na hindi mo ako niloloko?  And, is that even your real name?"

"Yes.  Ikaw pa lang ang babaeng nakaalam ng totoong pangalan ko," nakangiting sabi niya.

"Hindi ako madaling mapaniwala ng mga lalaking magaling mambola, pero mukhang nabobola mo ako.  Come in.  Get inside," sabi ko at binuksan ko ang pinto ng bahay para makapasok kami.

"Coffee?" Alok ko sa kanya.  Sumunod siya sa akin hanggang kusina.

"Sure," sagot niya.  "Is your mom always not around?" Umupo siya sa harap ng mesa.

"Yeah.  Eversince dad left she got into depression.  She keeps always asking herself what went wrong.  Kung anong kasalanan niya.  Kung anong naging pagkukulang niya.  She is a good wife.  She is a good mother kaya kahit ako I keep on asking myself that," iniabot ko kay Tim ang puswelo ng kape at nagsalin din ako para sa akin.

"Why did he left?  Your dad."

Nagkibit ako ng balikat.  "I don't know.  I grew up having the thought that our family would last.  Wala silang problema ng mommy ko.  He was a good provider, he always came on time pagkagaling sa office, we go out every week, we were a happy family.  So it hits hard when he left us without even a single explanation." 

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon