• 31 •

14.2K 448 40
                                    

Mason's POV

Magdamag akong hindi pinatulog ng mga sinabi ni JD.  Paulit - ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi niya.  May punto naman talaga siya doon at siguro nga panahon na rin na dapat kong gawin ang pagsasabi ng totoo sa kanila.  Sabi nga sa isang napakagasgas na salita: the truth will always set you free.  Natawa ako. Will it really set me free kapag sinabi ko kay Andie na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon?  Maniniwala kaya siya na kahit kailan ay hindi naman iyon nawala?

Gago.

Ako na rin ang nagsabi noon sa sarili ko.  Ang laki kong gago kapag ginawa ko 'yon.  Ngayon pa nga lang na nagpakita ako sa pamilya ko ay nagulo na ang lahat tapos sasabihin ko pa iyon kay Andie?  Baka kapag nalaman ng kapatid ko ang totoo, tuluyan na 'yun atakihin sa puso.

But I need to tell my life to my family.  Sabi nga ni JD, kung meron mang mga tao na talagang makakaiintindi sa amin, iyon ay ang pamilya namin.  Pero baligtad ang nangyayari.  Ang pamilya pa namin ang una naming tinatalikuran para sa trabaho naming ito.

Dinampot ko ang telepono ko at tinawagan ko si Sebi.  Matagal bago siya sumagot ng telepono.  Humihingal pa ng magsalita.

"Are you okay?" Nag - aalalang tanong ko.

"Yeah.  Why?" Humihingal na sagot niya.

"You're panting." Komento ko.

Ilang beses siyang huminga at bumuga ng hangin bago sumagot. 

"I am having an episode.  I am having a hard time to breathe.  But I know I'll be fine in a while.  I'll just wait for the medicine to take effect."

"Why don't you go to the hospital?  You want me to pick you up?" Nag - aalalang sabi ko.

"No.  No.  I'll be fine I swear.  I don't want to disturb Andie.  I told her what happened to me last night and she was so worried she cried almost the entire night."

Kumunot ang noo ko.  Sinabi ni Sebi ang nangyari sa kanya?

"What?  What happened to you?" Kunwari ay wala akong alam sa nangyari sa kanya.

"Something terrible happened to me the past days.  Some bad men threatened me and my wife.  They wanted me to do something for them.  They wanted me to be a part their money laundering activity and they targeted our bank.  But I don't want to do it and they told me they will hurt Andie.  I had no choice.  I don't want anything bad happen to my wife and my baby.  But some guys helped me last night.  I don't know who they were but they saved me and Andie," parang nanginginig pa ang boses ni Sebi.

"What?  Why you didn't tell me about this?" Pinanindigan ko ng hindi ko alam ang nangyari sa kanya.

"You just came back and I don't want to give you any more troubles.  I know I can fix it and I did.  Pero hindi kaya ng kunsensiya ko na magsinungaling kay Andie so I told her the truth.  She got mad me.  She was worried but thankful that I told her the truth."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Sebi.  My brother is sick and yet he is the most strongest person that I know.  Alam niyang masasaktan si Andie pero sinabi pa rin niya ang totoo.

"Are you sure you're okay now?" Paniniguro ko.

"Yeah.  Those guys were taken by the police.  And the man that helped me last night made sure na hindi na mangyayari ito."

"That's good.  Kung may problema, sabihin mo agad sa akin.  Okay?"

"Mom is expecting you to be home tonight.  Hindi ka na daw kasi bumalik kagabi."

"Something came up and I had to leave.  But tell mom I'll be home tonight.  I want all of you to be there.  I'll tell you everything about me.  What really happened to me."  Handa na akong sabihin ang totoo sa kanila.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWo Geschichten leben. Entdecke jetzt