• 30 •

14.5K 467 19
                                    

Mason's POV

Siniguro ko munang walang kahit na anong banta sa buhay ni Andie sa palibot ng bahay bago ako pumasok. JD called me that some men he got from the agency took care of it already. Meron daw talagang ipinadalang mga tao si Harold Sanchez para kay Andie. Siguro just to make sure that Sebi will do his job. Andie would be Harold's leverage. But JD took care of it. Pumasok ako sa loob ng bahay at dito ako nagtigil sa front porch. Ayokong pumasok sa loob knowing that Andie is resting. Ayoko na siyang istorbohin.

Inilapag ko ang backpack ko sa mesa at inilabas ang laptop ko. Mga folders na ibinigay ni JD tungkol sa sindikato. Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang isang envelope at kinuha ko iyon at binuksan. Those are the photos of Andie taken from her wedding. Kinuha ko mula sa facebook page ng photographer nila and I had it printed. Naroon din ang ilang mga litrato na kuha pa noon sa cellphone ko ng una kaming magkakilala. These photos are my memories of her.

Pagbukas ko ng laptop ko ay nakita ko ang feed sa kung anong nangyayari sa warehouse. Sebi is there already sitting in front of a computer. May dalawang lalaki ang nasa likuran niya. Parehong may hawak na baril. Katabi niya si Harold Sanchez at isang Japanese national. Sa ibang mga silid ay naroon din ang ibang Japanese na member din ng sindikato na naka - monitor sa ginagawa ni Sebi.

Maya - maya lang ay nakikita kong isa - isang nagbubulagtaan ang mga tauhan na bantay ng warehouse. Si JD at si Yosh ang may gawa. Wala pa rin talagang kupas ang stealth attacks ng mga top agents ko. Kahit dadalawa lang sila, kapag talaga plinano, they can execute the plan well. They can kill all those bastards without a fuzz.

JD was true to his words. He secured Sebi first before they took all those men including Harold Sanchez. I was amazed seeing those bad guys beaten one by one. Talagang pride gem ng Circuit agency si JD.

Para akong nakahinga ng maluwag ng matapos ang mission nila at wala ni isang galos na natamo si Sebi. After five minutes ay dumadating na ang mga pulis para hulihin ang grupo ni Harold. The transfer was unsuccessful at ginawan na ng paraan ni Bryan na hindi ma - detect ng bank na nagkaroon ng anomalya ngayong gabi. Si Sebi ay nasa pangangalaga na ni JD.

"Everything is fine. Sebi is safe." Sabi ni JD ng sagutin ko ang tawag niya.

"Thank you. I owe you."

"We will just debrief him then he can go home in a while." Sabi pa niya.

"Alright. Thanks again. I'll see you soon." Napahinga ako ng malalim at pinatay ko ang telepono at isinara ko ang laptop. Inilatag ko ang mga litrato ni Andie and looked at it one by one. I took one photo na kuha noon pang una kaming nagkakilala. The first time I saw her in that bar and she took me out of my senses. I smiled when I looked at her sweet smile. She still got the face that made me fall in love with her.

"What are you doing here?"

Mabilis kong inimis ang mga litrato at mabilis na inilagay sa envelope ang mga iyon ng marinig ko ang boses ni Andie.

"Sebi asked me to go here," sagot ko. Isinilid ko sa backpack kong dala ang mga folders and envelopes na naroon pati ang laptop ko.

Napairap si Andie at painis na inilapag ang puswelo ng hot chocolate sa mesa.

"And he didn't tell me?" Inis na sabi niya.

"Maybe your husband has some important things to do. Don't worry I'll be gone before you know it," sagot ko.

"Bakit ba lagi na lang niya akong kailangang ipagkatiwala sa iyo? Sa lahat na tao ikaw ang hindi katiwa - tiwala."

"Say anything you want to say, Andie. Get mad at me I don't care. I'll just do what my brother asks me to do." Mahinahong sagot ko. "Are you okay now? Masakit pa ang tiyan mo?"

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now