• 32 •

13.5K 463 46
                                    

—— eto na sa mga nag - aabang ng UD. 

Andie's POV

Walang imik si Marco habang bumibiyahe kami pauwi.  Ayoko din naman siyang kulitin kasi alam kong masama ang loob niya dahil sa nangyari.  Hindi na talaga niya nakontak si Tim.  Nakakaramdam din ako ng lungkot para sa pamilya niya.  Minsan lang sila nangarap na mabuo uli, bigla pang nang - indiyan si Tim.

"Andie is it okay kung doon ka muna sa mommy mo ngayong gabi?" Walang abog na sabi ni Marco sa akin.

Taka akong tumingin sa kanya.  "Bakit?"

"I want to stay in my mom and dad's house.  I know they are really disappointed and devastated tonight because of Mason." Ramdam ko din ang disappointment sa tono ni Marco.

"Would you know what would be his reason for not coming?" Tanong ko sa kanya.

Umiiling lang si Marco.

"I don't know.  I love my brother but in times like this, I am wishing he is already dead just like before.  Mas mabuti pa 'yung alam na lang namin na patay siya.  At least hindi kami umaasa.  Not like this.  He broke my parent's hearts again.  He broke his promise to me," nanginginig ang boses ni Marco habang sinasabi iyon.

Pareho lang tayo.  Pinaasa.  Pinangakuan.  Kahit kailan hindi kami naging importante kay Tim. 

"It's fine with me.  I am sure mas matutuwa sila mommy kung mag - stay ako sa bahay nila tonight." Iyon na lang ang naisagot ko.

"Thanks for understanding, honey." Napahinga ng malalim si Marco at bahagyang hinilot ang dibdib niya.  "I hope huwag na lang siyang bumalik.  I hope he stays away forever.  Wala na akong pakielam sa kanya." Parang sa sarili lang niya sinabi iyon.

Hindi ko na ginatungan ang mga sinasabi ni Marco.  Hindi na lang ako sumagot.

Ang ganda ng ngiti ni mommy ng makita akong papasok sa loob ng bahay namin.  Humalik lan si Marco sa pisngi ni mom at kumaway kay dad tapos ay umalis na rin.

"May misunderstanding ba kayo ng asawa mo?" Tanong ni dad ng humalik ako sa pisngi niya.

"Wala po.  Medyo may family problem lang sila and gusto muna niyang ayusin iyon with his family.  Ayaw na daw niya akong ma - stress."

"Mabait talaga 'yan si Marco 'no? Lagi na lang ang kapakanan mo ang iniisip niya.  Suwerte ka talaga sa kanya," sabi ni mommy.

Ngumiti lang ako.  Totoo ang sinasabi ni mommy pero hindi ko talaga masabi sa sarili ko na mahal
ko siya ng buo.  Parang nakikisama lang talaga ako sa kanya dahil kasal kami at iniligtas niya ako sa kahihiyan.  I know its unfair.  Pakiramdam ko tuloy ang sama - sama ko.

Narinig kong tumunog ang telepono ni dad.  Nagkatinginan kami ni mommy.  Magmula ng bumalik si daddy never pa namin narinig na tumunog ang telepono niya.  Walang tumatawag sa kanya.  Walang nagti - text.  Minsan madalas naka - off pa ang phone niya.  Sabi niya he devotes his time to my mom para makabawi daw siya sa mahabang panahon na umalis siya.

Kahit si daddy ay parang nagulat na tumunog ang phone niya.  Dinampot niya iyon at kunot - noong tiningnan lang ang telepono.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan?" Puna ni mommy.

"Who could this be?  I told them not to call me," parang sa sarili lang iyon sinabi ni dad.  Lumabas siya ng bahay at doon niya sinagot ang tawag sa kanya.

"How do you deal with that mom?" Tanong ko ng makalabas si daddy.

"Deal with what?" Takang tanong niya.  Tumayo siya at kumuha ng juice tapos ay ibinigay sa akin. 

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon