• 33 •

13.8K 484 40
                                    

Mason's POV

Kaya ko ng huminga ng walang tulong ng oxygen at respirator.  Unti - unti ay bumabalik na ang lakas ko.  I've been in this hospital for two weeks already and I just want to go home.  Salitan ang mga junior agents ng pagbabantay sa akin pero madalas din namang nandito si JD at si Yosh.  Si Dimalanta ay pasulpot - sulpot lang din ang dalaw dito.  Ayoko na nga siyang pupunta kasi naaalala ko lang ang anak niya.

I can sit now and my doctors advised me to do breathing exercises para ma - practice ko daw ang baga ko.  Sinusunod ko naman ang mga sinasabi nila.  This is not the first time that I've got shot pero ito ang pinaka-malala.

Sabi ng doktor I need to do ten breaths in a row every hour that I am awake.  Kaya kapag gising ako, sige ako practice ng deep breathing.  Medyo hirap pa din.  Madalas nauubo pa talaga ako at minsan hinahabol ko pa ang paghinga ko.  Pero kailangan ko daw masanay to breathe on my own.
Nasa ganoong ayos ako ng abutan ako ni JD.

"Looking good Director," puna niya ng makapasok sa kuwarto.

"I need to be well.  I can't stay here forever," sagot ko at pinilit kong gumalaw para makababa sa kama ko.  Meron pa ring nakakabit na dextrose sa akin kaya bitbit ko ang IV stand saan man ako pumunta sa loob ng kuwarto.

"Ilaw araw pa tingin ko puwede ka ng lumabas," sagot ni JD sa akin.

"Puwede bang ngayon na?  Pull some strings.  I don't want to stay here anymore.  Pakiramdam ko lalo akong nanghihina."

Natawa si JD.  "Ask Dimalanta.  Mukhang malakas siya dito sa ospital."

"Nevermind," sagot ko at naupo sa sofa na naroon.  "How's Dale?" Napailing ako ng malaman ko ang nangyari kay Anya.  Until now, I still can't believe that she is gone.  I can't imagine how Dale is going to get through this.  Alam ko kung gaano niya kamahal si Anya.

"A mess.  Hindi makausap.  Gusto laging mag - isa.  Nag-file ng leave indefinitely.  Tama lang naman iyon.  Kesa humarap siya sa constituents niyang laging lasing at wala sa katinuan." Tumayo si JD at may kinuhang kung ano mula sa ilalim ng isang cabinet doon at ibinato sa tabi ko.  Nagkalansingan ang parang mga bote na laman ng paper bag kaya kinuha ko at tiningnan.  Mga basyo ng miniatures Hennessy ang naroon.

"He was always here 'nung na-coma ka.  Sneaking in late at night at dito mag - iinom.  He would always ends up drunk at bibitbitin pauwi ng mga aide niya.  That was his coping mechanism.  Talking to you while you were in coma.  Pinabayaan ko lang.  I know he can survive this.  Time will heal all wounds," seryosong sabi ni JD.

Napangiwi lang ako at napailing.  I can't believe it happened to Dale again.  First, his mom.  Now the woman he loves.  Hindi ko akam kung swerte pa rin ba ako.  At least kasi si Andie kahit hindi magiging akin alam kong buhay at maayos.

"Have you seen my phone?" Tanong ko kay JD.  Hinilot ko ang dibdib ko kasi parang sumakit ang operation sa akin.  Nakaramdam ako ng bahagyang kirot.

Dinukot ni JD ang telepono ko mula sa sling bag niya.

"Lagi kong china - charge para kung may tumawag man mag - register pa rin." Sabi niya at iniabot sa akin.  Agad kong binuksan ang telepono ko at napailing ako ng makita ko ang mga missed calls sa akin ni Sebi.  Then messages from him.

What did we do to you?  Why are you always hurting us?  Leaving without saying goodbye?  Leave for good now.  Huwag mo ng kaming saktan.  Huwag mo na kaming paasahin na babalik ka kung may plano ka palang umalis ulit ng walang paalam.

Pakiramdam ko ay pumupunit sa puso ko ang text na nabasa ko mula kay Sebi.  He sent that to me the night that I was shot and I was supposed to meet my family.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now