• 38 •

14.5K 523 29
                                    

Andie's POV

Malalakas na tawanan ang bumungad sa akin ng lumabas ako ng kuwarto.  Ang lakas ng boses ni dad at ang lakas pa ng tawa niya.  Napahinto ako dahil pamilyar ang boses ng kausap niya.  I know that voice.  Para yatang nanginig ang tuhod ko.  Nanlamig ang buo kong katawan kaya hindi agad ako nakagalaw at nanatili lang ako sa nakabukas na kuwarto.  Si Timmy ay naiwan sa kuwarto ko na nanood ng tv habang naglalaro ng mga bago niyang laruan.

Boses ni Tim.  Anong ginagawa niya dito?  Bakit siya bumalik?  Na – meet na niya si Timmy?  Nagkausap ba sila ni Marco ng hindi sinasabi sa akin ng asawa ko?  How did he know about my son?  Bakit ready siya sa mga laruan na ibibigay niya?  Hindi matapos – tapos ang mga tanong na naglalaro sa isip ko.

"So magta-tatlo na pala ang anak ni Dale?  Matulis talaga 'yang si Mayor," natatawang sabi ni daddy.

"Mahal talaga niya si Anya.  'Nung bumalik, hindi na talaga tinantanan.  Akalain 'nyong siya ang nagkasal sa kanilang dalawa kasi mayor na daw siya pero hindi naman papayag si Senator Benavidez na ganoon lang iyon.  After a month, ikinasal din sila sa simbahan." Bakas ang saya sa boses ni Tim.

Lakas ng halakhak ni dad.  Bakit parang magkakilalang – magkakilala si Tim at si daddy?  Sobrang palagay si daddy.  He never treats people like this.  Kahit si Marco hindi sila nagka – kuwentuhan ng ganito ni daddy.  Hi – hello lang.  Mga one liner na usapan then that's it.  Wala ng imikan.  But right now, daddy is showing his true self to someone he just met.

"How about your most hard-headed agent?  Kamusta naman?  Pasaway pa din?" tanong pa ni dad.

Kumunot ang noo ko.  Agent?  Anong agent ang sinasabi ni dad?

"Si JD?  The usual.  Matigas pa rin ang ulo but ayaw niyang ma – associate sa yaman ng mga Oligario.  Bagay lang naman talaga sila ni Lucy.  Pareho silang matigas ang ulo kaya natututo silang magbigay sa isa't – isa.  Kasi kung walang magbibigay, talagang maghihiwalay ang dalawang 'yon."

Lucy?  Tim even knows Lucy Oligario?  How?  I know Lucy kasi inaanak siya ni dad and nagkikita kami sa mga okasyon once in a while.  Nahinto nga lang ng mawala si daddy.

"Maige nga.  Nakakita talaga ng katapat ang inaanak kong iyon."  Tumatawa pa si daddy.

"Sir, would you mind if I ask something?"

Shit.  What the fuck is going on?  Sir?  Tim is calling my dad Sir?

"What?"

"Did you tell them truth?" Seryoso na ngayon ang timbre ng boses ni Tim.

Pigil ko ang hininga ko habang hinihintay ko ang sagot ni dad.

"I tried to tell Alice but she doesn't want to know it anymore.  I was ready to tell her everything about what happened to me in those five years but she said no.  She told me, what she doesn't know won't hurt her."

Hindi sumagot si Tim.

"How about you?  Are you ready to tell them everything?  Are you ready to tell your brother, your parents about who you really are?" Boses ni daddy iyon.

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko para walang lumabas ng tinig doon.  Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko parang hindi na ako makahinga.  Daddy is keeping a secret from us?  Who the hell is Tim?

"Mama!  What are you doing there?  Why are you hiding?" Muntik na akong mapatalon sa lakas ng boses ni Timmy.

Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako pabalik sa kuwarto o magtatakbo palabas ng bahay pero parang wala akong lakas na gawin iyon.  Nang tumingin ako sa gawi nila daddy at Tim ay pareho silang nakatingin sa akin.  Nanlalamig ang mga kamay ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now