• 22 •

15.2K 537 68
                                    

Sa mga nag - aabang ng UD sa pananghalian. 

Mason's POV

"Director Gonzalez, Agent James David Carbonel reporting for duty, Sir!"

Tiningnan ko si JD na pumasok sa opisina ko at snappy na nakatayo sa harap ng mesa ko at nakasaludo pa sa akin.

"Fuck off, JD." Natatawang sabi ko sa kanya at ibinalik ko ang atensiyon ko sa report na binabasa ko.

Ang lakas din ng tawa ni JD sa kalokohan niyang ginawa at naupo sa couch ko doon.

"Congratulations, man.  Kung hindi pa umugong ang chismis, hindi ko malalaman na ikaw pala ang papalit kay Director Dimalanta."

"It was not a big deal.  Ganoon pa rin naman ang trabaho ko.  To supervise you hard headed agents na hindi marunong sumunod sa mga superiors 'nyo," sagot ko sa kanya.

"Anong hindi big deal?  You are the head of this bad ass agency.  Local and international office ikaw ang magde - desisyon.  Kung gusto mo nga akong i - fire out magagawa mo na agad ngayon," tatawa - tawa pa si JD.

"Do you want?  Susunod ka na kay Dale?"

Bumuga ng hangin si JD.  "I love my job.  My wife understands my job.  Si Dale, sabog ang utak 'nun.  So many things running inside his mind plus the fact that something huge happened to him and his girl.  I think getting out from this agency is his only option," this time ay seryoso na si JD.

Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang kopya ng resignation letter ni Dale.  It's been sitting in my desk for several months.  He's been out from the agency for almost six months.  Sobrang depressing ang nangyari kay Dale.  His last mission really took a toll in his life.  Apektado talaga siya na hanggang ngayon nako - konsensiya siya sa nangyari.

"Well, may good side naman ang pag - alis ni Dale sa agency.  Naayos ang family feud nila ng daddy niya and he is the mayor of their hometown.  Hindi ko ma - imagine si Dale to be a politician.  I know how he hates politics," naiiling pa si JD.

"It is his destiny.  Tinakbuhan lang niya but hindi niya puwedeng talikuran." Sabi ko.

"But, Anya really doesn't remember anything?  I mean I met her and I talked to her.  I know she's not faking it pero do you think?"

"I was with her during her therapy sessions with Dr. Miranda.  I know she's not faking it.  She doesn't remember anything happened in Puerto Galera.  At mabuti iyon.  Nagkakamabutihan naman sila ni Mayor Dale and her father, mukhang boto naman kay Mayor." Paliwanag ko.

Tumatango - tango si JD at dumukwang sa mesa ko.  May hinugot siyang kung ano na nakaipit sa mga folders na nakapatong - patong doon.  Shit.  Hindi ko na makuha sa kanya.

"Is this Sebi?  Your brother got married?" Ipinakita niya sa akin ang picture na nakuha niya sa mesa ko. 

"Yeah," tanging sagot ko.  Hindi na rin naman ako makakapagkaila.

"Bakit nandito si Dimalanta?" Taka pa niya.

"Go figure it out," hindi ko alam bakit naiinis ako.  Naiinis ako kasi naaalala ko na naman kung paano nagpalitan ng I do's si Andie at ang kapatid ko.

"Oh shit.  He got married with Dimalanta's daughter.  What the fuck?" Naiiling pa si JD.  "Hindi ka umattend dito?"

Sinamaan ko ng tingin si JD.

"Sorry," natatawang sabi niya.  "Patay ka na nga pala."

Napahinga lang ako ng malalim at pinilit ko na lang na hindi pansinin si JD.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon