• 34 •

13.7K 477 56
                                    

Andie's POV

Hinintay ko na munang makaalis sina Pam at Piper bago ako nagtungo sa kuwarto kung saan nagpapahinga si Marco. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama at natutulog. Sa tabi ng kama ay naroon ang wheelchair na may nakakabit na maliit na oxygen tank.

Dahan - dahan kong isinara ang pinto. Ayokong maistorbo ang pagtulog ni Marco. Inilapag ko sa katabing mesa ng kama niya ang pagkain na dala ko at naupo sa couch na naroon. Gusto ko naman magpahinga muna. Gusto kong lumiwanag ang isip ko.

Last year Marco got his heart transplant. After years of waiting for a heart donor, luckily he had one. It came from a motorcycle rider that got in an accident. Masayang - masaya si Marco ng tawagan siya at malaman na mabibigyan ng bagong puso. He travelled to the US with his parents para mag - undergo sa operation. I stayed here with my parents and Timmy. Iyon ang gusto niya. Ayaw na daw niya akong bigyan pa ng alalahanin.

The first few months was okay. His body is adapting to the new heart. Although nagkaroon ng complications like pneumonia and some fluid build up in his lungs, hindi naman daw iyon maiiwasan. Pero nalampasan naman niya and recovered well.

Malaki ang nagastos namin sa operation niya. All of our savings were spent, nagdagdag pa ang parents niya at ang parents ko. May kaya ang pamilya ni Tim pero nakakahiya kung aasa kami sa kanila sa pagpapagamot niya. The follow up medications are costly at idagdag pa ang mga monthly check ups and laboratories na kailangan gawin sa kanya. He resigned from his work dahil sabi ng doktor he needs to take care of his new heart. So ako ang lahat na gumagastos sa pamilya namin. Nagbibigay ng tulong ang pamilya niya pero hindi pa rin sapat.

Until two months ago when he is about to return to his old job, his body is beginning to show some signs of organ rejection. His body is rejecting his new heart. Madalas siyang nilalagnat, laging pagod ang pakiramdam, irregular ang heartbeat niya. Hindi niya magawa ang mga dapat niyang gawin. Simpleng pag - akyat lang sa kama ay hinihingal na siya.

And when the doctor checked him, the medications he is taking are not helping him. His body is rejecting his new heart and it causes all the symptoms that he is experiencing. Another set of medications was given to him, he is also advised to have an oxygen tank nearby dahil madadalas na mahihirapan siyang huminga. Marco needs another heart transplant or else mas magiging worse pa ang kalagayan niya compare sa sitwasyon niya noong bago pa siya ma-operahan.

Naaawa na ako kay Marco. His body is really worn out. Pagod na ang tingin ko sa kanya pero pilit niyang kinakaya. He can't even play with Timmy ng hindi mapapagod agad. They cannot bond totally and he is pissed sometimes. Hindi man lang daw niya malaro ang anak niya.

Kaya kapag may ganitong okasyon, mas pinipili ni Marco ang magkulong na lang sa kuwarto. Advice na rin iyon ng doctor para hindi daw siya makakuha ng malalang sakit sa mga nakakasalamuha na tao. Saka ayaw din niyang humarap sa iba bukod sa aming pamilya niya.

Nakita kong gumalaw si Marco at napaubo kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Walang patid ang pag - ubo niya at nahihirapan na siyang huminga pero pinilit niyang makabangon. Agad kong kinuha ang portable oxygen tank niya at agad na ikinabit ang nasal canula sa ilong niya. Unti - unti ay nakakabawi ng paghinga si Marco. Nakatingin lang siya sa akin. 'Yung tingin na parang humihingi ng pasensiya.

"Just breathe. Come on," sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

Patuloy lang sa paghinga si Marco. Inayos ko pa ang buhok niyang nagulo at dinama ko ang noo niya. Nilalagnat na naman siya.

"You're having a fever again." Komento ko at inayos ang patong - patong na unan sa headboard ng kama para makasandal siya ng maayos.

"On and off naman ang fever ko. This is normal," may bahagya pa siyang hingal ng sabihin iyon.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon