• 15 •

16.5K 446 10
                                    

- pasensiya sa mga typos. Super raw 'to. Walang edit.

Andie's POV

I am checking my phone and reading the message that I got from my mom.  It says on her text na gagabihin siya ng uwi dahil meron siyang date.

"Date?" Parang sa sarili ko lang nasabi 'yon.

"Who's on a date?" Tanong ni Tim sa akin.

"My mom.  Well I told her she can date but who is the guy?  Wala naman siyang nababanggit sa akin about this."  Bina - browse ko pa talaga ang messages niya dahil baka may kasunod pa.

"You don't like your mom to move on?"

"It's fine with me.  Kaya lang ang bilis lang.  I just want to know who is the guy." Dinampot ko ang cup noodles na nasa harap ko.

Natawa si Tim.  "Well at least your mom can have a good time.  Let her be happy." Sabi niya at umayos ng upo.  "So, are we going to tell this to your mom?"

Napahinto ako sa pagkain ko sa hawak kong cup noodles sa narinig kong sinabi ni Tim.  Tumingin ako sa kanya at nakatutok ang tingin niya sa tv.  Nanonood ng world news.  It's been a month after we decided to have this relationship and gabi - gabi rin akong nakababad dito sa apartment ni Tim.  Sisiguruhin kong walang makakakita sa akin na dito ako nagpupunta.  Kahit na nga si Piper ay nagtatanong sa akin kung bakit daw lagi akong ginagabi umuwi galing sa trabaho.  Hindi nila alam, maaga akong umuuwi at dito lang ako lagi.

Umalis ako sa pagkakasandal ko kay Tim at binitiwan ang hawak ko.

"What?" Gusto kong masiguro kung tama ba ang narinig kong sinabi niya.

Tumingin sa akin si Tim.  "I was asking if we are going to tell this to your mom.  She is dating so are we."

"Are we going to tell what to my mom?"

"This.  About us."

Kinabahan yata ako sa narinig kong sinabi niya.

"Can we just keep it a secret?  Ayokong mabigla si mommy and ayoko ding sumama ang loob ni Piper.  I know she likes you," sabi ko.

Kumibit - balikat si Tim at itinuon ulit ang pansin sa panonood ng tv.  Lagi naman kaming ganito kapag magkasama kami.  Tambay dito sa apartment, sabay kaming magdi - dinner, I'll fix some of his things dahil hindi na matapos - tapos ang pagliligpit dito.  Kahit tinutulungan ko na siya, hindi rin natatapos kasi we would end up making love on his bed.  Or madalas, nakababad na manood ng tv.  Tim really likes to watch the news.  He wants to know what is happening around us, around the world.  Siguro nga kasi dahil sa trabaho niya bilang investigative journalist. 

"Ayaw mo ba ng ganito?" Tanong ko pa sa kanya.

Humiga si Tim sa sofa at umunan sa mga hita ko.

"Says who?  If only we could stay like this forever." Sagot niya.

"If only?  Why?  Do you have plans on leaving?" Hindi ko alam kung bakit parang binundol ng kaba ang dibdib ko.

Nakita ko ang pagkalito sa mukha ni Tim at tumingin sa akin. 

"Leaving?  No.  No.  What I meant was, this.  This moment right here.  Right now.  If only this moment could last forever." Pagtatama niya sa sinabi niya.  Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.  "I won't go anywhere."

Napahinga ako ng malalim.  "Baka kasi katulad ka din ni dad.  He promised to stay and yet look at us.  He left without even saying why."

Hindi kumibo si Tim at itinutok ang mata sa tv.  Pero halata sa kanya na bigla siyang naging stiff.  Halata na biglang natensyon.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now