• 7 •

16.3K 486 28
                                    

Mason's POV

Someone poked my back and immediately, I grabbed whoever it is and slammed it on the wall. I am ready to kill anytime. Only to find Andie's shocked face looking at me.

"Shit! Tim?! Anong ginagawa mo dito?" Bulalas niya.

Mabilis akong lumayo sa kanya at painis na inalis ang airpods sa tenga ko.

"Sorry. I am sorry. Are you hurt?" Nag - aalalang tanong ko. I am trying to help her compose herself.

"You scared me. I thought you're going to kill me," sabi niya habang hinihimas ang leeg niya tapos ay ang braso niya.

Mahina akong napamura. "Kaya huwag mo akong gugulatin ng ganoon. Akala ko masamang tao ka."

"Kanina pa ako tumatawag walang sumasagot. Ikaw ang uupa dito?" Medyo nakaka - recover na siya.

"Yeah. I asked your mom." Sabi ko. Kumuha ako ng bottled water mula sa mga supot ng groceries at iniabot ko sa kanya.

"Here? Why here?" Taka pa rin niya.

"So I can be with you." Diretsong sagot ko.

Nakita kong namula ang pisngi ni Andie.

"Or you can kill me?" Natatawang sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa harap niya. I am checking her neck kung merong galos, pasa. Napahinga ako ng malalim dahil nakabakat doon ang mga daliri ko.

"Shit. This will bruise," sabi ko habang hinahaplos ang leeg niya. "Masakit ba?"

Umiling siya. "I am fine." At bahagya siyang umiwas. Alam kong medyo naasiwa siya sa ginawa ko. "Bakit nga dito? Maraming mas maaayos na mauupahan sa bandang bukana ng street."

Tumayo ako at ipinagpatuloy ko ang pagpipintura.

"Ayaw mo ba ako dito? Kasi ako, kahit kasing liit ng bahay ng kalapati ay titirhan ko basta mapalapit lang sa iyo."

Fuck you Mason. Kahit ako gusto kong matawa sa mga sinasabi ko. Pero totoo naman. I just want to be with her. Dalawang araw ko nga siyang na - miss.

Pinipigil ni Andie ang pagngiti niya tapos ay napapailing.

"Grabe ka talaga mambola. But sorry, kahit anong gawin mo hindi na mauulit 'yung nangyari sa atin."

"Bakit? May nangyari na ba? Wala pa 'di ba?" Kunwari ay inosenteng tanong ko.

"Shut up." Tumatawang sabi niya.

"But kiddin' aside, mas malapit kasi ito sa trabaho ko. You? Kamusta ka? Na - miss kita ng two days. Nakalimutan ko pang kunin ang number mo."

"Ah. Okay lang. Teka. Wala ka bang asawa?"

Napakamot ako ng ulo. "Mukha ba akong may - asawa?"

"Tinatanong nga kita, eh."

"Sige. If I can prove to you that I am single, you will date me."

Natatawang napapailing si Andie.

"Oo o hindi lang ang sagot mo. Bakit kailangang may date agad."

"Para mas makilala mo ako." Lumapit ako sa kanya. "Tomorrow? Seven pm sa Myron's?"

"I don't know. Hindi ko pa alam ang schedule ko tomorrow. Baka may -"

"So it's seven pm then." Nakangiting putol ko sa kanya.

"Grabe ka Tim. Wala akong choice tumanggi?"

Umiiling ako. "So what you got there?" Tiningnan ko ang mga dala niya.

"Mga pinabili ni mommy na blinds for your place."

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang