• 13 •

15.1K 424 6
                                    

Mason's POV

Sungit ni Andie. Parang hindi ko siya nakilalang ganoon. Galit na galit talaga siya kanina. Kung puwede lang niyang sapakin 'yung rider ng motor tingin ko ay magagawa niya.

My phone is ringing non - stop ng pumasok ako sa apartment ko. Dimalanta is calling me again. Ang kulit talaga ng boss kong ito.

"Sir."

"Anong sabi ni Alice? Nagulat ba siya sa mga chocolates and flowers na na - receive niya?"

Napakamot ako ng ulo. "Okay naman sir. Nagulat lang kasi walang nakalagay kung kanino galing."

"Sa tingin mo nagustuhan niya?"

Napangiwi ako na napapailing. Ang kulit talaga nitong boss ko.

"Yeah. Mukhang nagustuhan naman. Sir, bakit ba kasi hindi ka na lang magpakita ulit sa kanya? Mag - usap kayo. I think she will forgive you kahit ano pa ang nangyari." At para hindi mo na ako kinukulit. Gusto kong idugtong 'yun.

"Hindi ko pa kaya. Hayaan mo na muna ang ganyan." Sagot niya. "Hey, do you know anything about Jaime Salazar?"

Kumunot ang noo ko. Jaime Salazar. The name sounds familiar. Sa pagkakaalala ko ay trinabaho namin ito ni JD ilang buwan lang ang nakakalipas. Kilalang drug dealer ito na nagsu - supply ng drugs sa mga party spots. Ito ang supplier ng drugs 'nung nakilala ni JD na escort.

"Yeah. We nabbed him a few months ago. Si JD ang trumabaho diyan. Nakakulong 'yan."

"Well, he got out. His lawyers presented some evidence that contradicts your report. Mukhang may sabit kayo ni Carbonel." Sabi niya.

"What? That's impossible. Nandoon siya ng magkaroon kami ng buy bust. He handed the drugs to us. To me. We got a video about that."

"Apparently, the evidence that you got are not complete. Wala ang video."

"Hindi puwede. Ako ang gumawa ng report niya. Kami ng team ko."

"I checked it myself Mason. Wala talaga sa evidence room ang video. I trust you and I think someone is a mole in our agency."

Napahinga ako ng malalim. And who could it be? Mapagkakatiwalaan ko ang lahat ng tao ko.

"I'll dig more, Sir." Iyon na lang ang nasabi ko.

"One more thing. I got an intelligence that Jaime Salazar is looking for you. You better watch your back." Iyon lang at pinatayan na niya ako ng telepono.

Inis kong hinagis ang telepono ko. And I thought everything is fine.

Ayoko na munang isipin ang problema sa agency. Inabala ko ang sarili ko sa pag - aayos ng apartment. Si JD ang bahalang umayos ng sabit sa mission namin. May report din akong na - receive kay Dale na gusto na niyang paalisin ang anak ni Senator sa bahay niya. Hindi naman daw siya baby sitter. Kapag nakita ko 'tong mga agents ko na 'to, pagkukukutusan ko talaga. Napakaraming mga reklamo.

Mararahang katok ang narinig ko. Si Piper ang nakita kong nakatayo sa pinto. She looked fresh. Mukhang nakapahinga na. Nakabihis siya. Naka - shorts and off shoulder blouse. Nakalugay din ang mahabang buhok. Alam ko naman na nagpapapansin siya sa akin but, she is not my type. Sobrang laki ng pagkakaiba nila ni Andie. Si Piper masyadong outgoing. Hindi nahihiya kung anong gustong gawin at sabihin. Si Andie, iba. Kahit alam kong moderno siyang babae, naroon pa rin ang pagiging reserve niya.

"Baka lang you would want to join us sa Pam's." Nakangiting sabi niya.

Tumingin ako sa telo. Pasado alas - otso na pala ng gabi. Nawili na ako sa pagpipintura at hindi ko na namalayan ang oras.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now