• 10 •

17.2K 484 16
                                    

Mason's POV

I bought the flowers that my boss asked me to buy. Pagkabile ay dumiretso ako sa pinapasukang bangko ni Andie. Ipinark ko ang kotse ko sa di kalayuan at sa nakikita ko siya mula sa salamin. Past five na noon. Alam kong pauwi na rin siya. Kinuha ko ang phone ko at tinext ko siya.

I'll be picking you up.

Matagal bago siya sumagot. Mga ilang minuto rin 'yon ng maka - receive ako ng reply.

Who is this? Marco? You told me you'll be assigned in Pampanga? And why are you using a different number?

Umangat ang kilay ko. Marco. Marco na naman. Pesteng Marco. Talagang gagawin kong hindi na makaalis sa Pampanga ang lalaking iyon.

So who is Marco? Boyfriend mo na? You are kissing me last night, we made out but you have a boyfriend named Marco?

Wala akong reply na nareceive. I can see her sitting in front of her table and and she is just looking at her phone. Then she smiles.

And so kung boyfriend ko siya? Wala naman tayong label.

Iyon ang reply niya sa akin.

Ah ganoon ba? Eh 'di aagawin kita sa kanya para magka - label tayo.

Nawala ang ngiti ni Andie. Nanatili lang siyang nakatingin sa phone niya. Maya - maya ay nagpipindot doon.

Don't bother to pick me up. May dadaanan pa ako.

If you are worrying about the mouse traps, nakabile na ako. Halika na. Andito ako sa labas. I can see you.

Napaangat sa kinauupuan niya si Andie at tumingin sa labas. Nagbaba ako ng bintana at kumaway sa kanya.

Napailing lang siya at inimis ang mga gamit niya. Bumaba ako ng sasakyan para salubungin siya.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" Bungad niya ng makita ako sa labas.

"Sabi ko naman susunduin kita 'di ba? Bilis mo naman makalimot sa usapan natin. We will have a date tonight."

"Hindi ako puwede. May mga bisita si mommy sa bahay. I need to go home."

"Then we will go home." Sagot ko. Inalalayan ko pa siya papunta sa sasakyan ko. "Doon kita idi - date sa bahay 'nyo."

Humarap sa akin si Andie.

"Tim, ano ba 'to?" Seryosong tanong niya.

"Anong ano? Sinusundo kita. Gusto kitang kasama. Gusto ko lagi kitang nakikita. Ano ba 'yon?" Sagot ko.

"Tim, hindi porke nahalikan mo ako at naglampungan tayong parang pusa sa harap ng bahay namin, puwede mo na akong syotain. Hindi ako ganoong babae."

"Hindi naman ganoon ang tingin ko sa iyo. Andie, I like you. Hindi naman iyon ang habol ko sa iyo."

Huminga lang siya ng malalim at sumakay sa sasakyan ko. Sumakay din ako at dumukwang ako sa likod para kunin ang isang bungkos ng bulaklak.

"I don't know what is your favorite flower kaya ginawa ko na lang assorted." Iniabot ko sa kanya ang bungkos ng bulaklak.

Pinipigil ni Andie ang mapangiti pero alam kong natuwa siya sa bigay ko.

"Para saan 'to?"

"Just because. Hindi naman kailangan na may okasyon para bigyan kita ng bulaklak." Ini - start ko na ang sasakyan. "So? Uwi na tayo?"

"Yeah. Kailangan kong tulungan si mommy." Sagot niya.

Maliwanag ang bahay nila Andie ng dumating kami. Halatang nag - prepare si Tita Alice sa kung anuman na get together.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableOnde histórias criam vida. Descubra agora