• 6 •

17.5K 490 9
                                    

Andie's POV

Sa sobrang excitement ko sa pagkakakilala namin ni Tim, ngayon ko lang naisip na hindi ko pala nakuha ang number niya.  And he didn't get mine.  It's been two days since we last talked and wala na siyang paramdam.  Two nights na akong bumalik sa bar ni Pam pero sabi ni Bobby hindi naman daw nadadaan doon si Tim.  Napu - frustrate ako kasi nga baka talagang landian lang 'yung sa amin.  Baka naman may asawa na talaga 'yun at magaling lang mambola.  And I can't believe na nagpauto naman ako sa isang lalaking manloloko.

"And nakasimangot ka na naman."

Napaangat ako ng mukha at nakilala kong si Marco iyon.  Bagong account officer para sa car loans.

Nginitian ko siya.  "No I am not."

"Kabisado ko na ang mga ngiti mo kaya alam kong nakasimangot ka ngayon."

Nakangiting umiling ako at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"Busy ka later?"

"Yes." Sagot ko.  Two weeks pa lang dito si Marco at talagang kinakikiligan siya ng mga staff dito sa bank.  Guwapo din naman kasi.  Mataas, lean body, artistahin face.  Pero hindi ko siya type.  He is just plain.  Walang dating sa akin.  Walang depth.  Hindi katulad ni Tim.  Sobrang mysterious.  Tingnan ka lang niya para na niyang nabasa kung ano ang isip mo. 

"Shit," mahinang sabi ko at inis na inimis ang mga nakakalat na papel sa table ko.  Bakit ko ba ikino - compare si Tim sa bawat lalaking nakikita ko?

"Bakit ka ba naiinis?  Naiinis ka ba na nandito ako?" Kita ko ang pagkabahala sa mukha ni Marco.

"Oh, no.  No. Sorry.  Hindi naman ako naiinis sa 'yo.  Ang dami lang talagang load," at ipinakita ko sa kanya ang mga papel.

"Kaya nga you need to unwind.  Tara.  Sama ka sa amin.  We are going out.  Sabi nila, hindi ka daw talaga mahilig sumama sa mga labas nila." Pangungulit pa ni Marco.

"Bahala na.  Check ko muna ang sched ko."

"Okay," tonong nadismaya si Marco.  "Sana magbago ang isip mo.  Diyan lang naman kami sa Pam's."

Malapit nga lang.  Iyon ang bar ni Pam.

Kumaway na sa akin si Marco at lumipat naman sa table ni Kaye at doon nakipagkuwentuhan.

I need to clear my head and I tried to get him off my mind.  Ayoko ng isipin si Tim.  Wala naman siyang maitutulong sa akin.  Ginugulo lang niya ang isip ko.  Pero grabe talaga ang epekto niya sa akin.  Siya lang ang lalaking hindi nagpatulog sa akin.  Nasaan na kaya siya?

Tumunog ang telepono ko at tumatawag si mommy.

"'Ma.  May problema ba?" Sanay na ako kay mommy na tumatawag siya sa akin sa tuwing naaalala niya si daddy.  Iiyak.  Magsusumbong.  Lagi kang akong makikinig hanggang kumalma siya.

"Ipinahakot ko nga pala ang mga gamit doon sa kabilang bahay.  Ipinadala ko sa tita Ester mo at iga - garage sale daw niya."

Thank god.  It's about time.  Ang tagal - tagal ko ng sinasabi iyon kay mommy para luminis na ang bahay na 'yon.  Puro mga gamit lang naman iyon ni daddy.  Gusto ko na rin talagang mawala ang mga gamit na iyon para mawala na rin ang mga alaala ni dad.

"That's good, mom.  Buti naman naisip 'yong gawin iyon."

"Ipapapalinis ko nga rin para kung may repair, konti na lang ang ire - repair ng bagong uupa."

Napadiretso ako ng upo sa narinig na sinabi niya.

"What?  Uupa?  Paparentahan mo 'yun?  'Ma, mahirap magpa - rent.  Baka magugulo ang titira diyan." Ayokong magkaroon ng ibang tao sa bahay namin.  Kahit na ba katabing - bahay lang 'yun, still malapit pa rin sa amin.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableOù les histoires vivent. Découvrez maintenant