CHAPTER 41: Rosemarius

Mulai dari awal
                                    

"Turn to your left" Aiden told me silently. Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya

"I know where to go, trust me" pagbuntong hininga niya. I looked at him weirdly at sinunod ang sinabi niya. To my surprise ay tama pala ang pinagsasabi niya. 

Paghawi ko muli ng mga halaman ay bumungad saamin ang napakaraming Rosemarius sa gilid ng ilog. Maliwanag at maaliwalas ang kapaligiran. You could see the reflection of light in the water.

The Rosemarius lightened the surroundings. Ngayon ko lang napansin na ito palang ang inuupuan namin ni Tyler kanina.  Agad akong lumapit at tinitigan ang kakaibang halaman

Umaapaw ang kagandahan ng halaman sa madilim na kapaligiran nito. Kasabay din nito ang mga alitaptap na sumasayaw palibot dito. Everything looked so magical.

"Pretty isn't it?" Hindi ko namamalayan na tumango na pala ako sa sinabi ni Aiden. I was too absorbed in looking at the magical plant. bigla akong natauhan at kinuha mula kay Aiden ang basket.

"Kailangan na nating magmadali para matapos na ni Fabian ang potion" tahimik kong sabi at nagsimula ng pumitas 

"I'm sorry if I blamed you earlier. I was just scared and shocked" tumingin ako kay Aiden, puno ng lungkot ang kanyang mga mata habang sinisinagan ng ilaw ang kanya mukha. Napakaamo nito, I wanted to touch his gentle face but I stopped before I actually did it.

"Hindi naman kita masisisi eh." Tipid akong ngumiti "If something similar happened to my mom I would've felt the same thing"

If my mom was in the same situation and I find out that the guys that I like is connected to who did this, I would be heartbroken. Hindi ko siya masisisi kung ganoon ang naiisip niya.

 "This should be enough" sabi ko habang hawak ang basket na may nagliliwanag na halaman. Tumayo ako at inayos ang suot ko

A warm hand pulled my arm and hovered me in his hug. Di ako makagalaw dahil sa gulat

"A-adien" bulong ko. walang boses na lumalabas sa bibig ko, I was too taken aback. He hugged me tighter, bigla akong nanlambot. He was warm and he smelled good, naririnig ko rin ang pagtibok ng puso niya. I can't help but feel relaxed under his hug.

"You know that I like you right? You know that whatever happens I'll be here for you right?"

Napangiti ako at napapikit, kumalma ang isip at puso ko sa yakap niya. He felt so warm. I like him too, I like him so much that it hurts.

"H-hindi tayo pwede" My voice cracked trying to say those words. I want to make you happy, I want to like you back pero hindi pwede. Hindi dapat.

He pulled away from our hug at tiningnan ako ng maigi, he looked irritated and hurt 

"Why? Am I not enough? I promise I'll do anything for you!"

"Hindi kasi ganon! I can't be with you! I carry the blood that harmed your parents! Nandoon ka! I did horrible things to you! I'm a monster!"

Napatigil siya at namuo ang galit mula sa mga mata niya

"But that doesn't define you remember?! I don't care who your family is! I don't care where you came from or-or if your grandfather made potions and spells for bad people! I like you okay?! I like you for who you are!"

I cried even harder, I just wanted to be happy with him but why did it have to be me.

"No! You don't freaking understand! If I break---If I break and Eris comes out tapos tayong lahat! You should know better! I killed a monster with my bare hands! Kaya kahit anong sabihin mo walang mangyayari! Nothing will work!"

"How can you say that If we won't try?!"

My breath hitched. Patuloy parin ang pag agos ng mga luha ko, I'm crying so much these days. It's pathetic. Dati-rati I won't even drop a single tear, ngayon halos isang balde na ang iniiyak ko.

"Please stop" mahina kong sabi "Whether it will work or not wala paring mangyayari. I don't even have feelings for you" I told him coldly. 

Tiningnan niya ako, puno ng sakit at galit ang ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin pero mas lumayo ako sa kanya hanggang nabangga ang likod ko sa puno.

"Aiden hindi kita gusto. Ayaw ko sayo kaya please" nahihirapan kong sabi sa kanya. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya.

Kumunot ang noo niya at umiigting ang panga niya, I know he wanted to shout at me, get angry with me at tatanggapin ko iyon. I couldn't love someone who I hurt, It's just toxic.

"Liar" bulong niya. Mabagal ngunit malalim ang bawat paghinga niya, puno ng pagtitimpi ang ekspresyon niya sa mukha. Napakagat labi ako. I tried to reached his face.

"Aide--"

Pareho kaming napalingon kung saan kami nakarinig ng pagsabog. May itim na usok kung saan nakatayo ang bahay ni Fabian. Napatigil kaming dalawa at nagkatinginan.

Mabilis kong kinuha ang ilang pirasong halaman at mabilis kaming tumakbo papunta sa kanila.

Please, sana nananaginip lang ako.

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang