"Tsk, 'di naman maganda," sabi niya nang pabalang. Aba at sino'ng sinasabi niyang hindi maganda? Ako? Porke't g'wapo ka ganyan ka na? Hay, turn off, cute pero masama ang ugali?

Oh, sige hindi na kita papatulan para walang gulo pero subukan mo uli akong insultuhin, hindi ako magdadalawang isip na ipasagasa 'yang mukha mo sa pison.

Yupit ang muka mo sigurado, sayang may itsura ka pa naman, napakahambog mo lang. Kaya sa tingin ko, deserve mo pa rin ang masagasaan ng pison. Napatawa ako sa naiisip ko, na-imagine ko kasi siyang nawasak ng pison. Why so morbid?

"Baliw ka ba?" tanong niya dahil hindi pa rin bumabalik 'yong kasama niyang babae. Nakatingin pala siya sa akin. Malay ko ba!

"Hambog ka ba? Oo," sabi ko sabay nginitian ko siya nang nakaloloko. 'Di na siya nagsalita dahil bumalik na 'yong babae na kasama niya. Makaalis na nga bago ko pa upakan ang isang 'to.

Nang sumunod na araw, gano'n pa rin naman ang sitwasyon, nakaloloka naman! Kailangan kaya matatapos ang kalbaryo ng buhay ko?

Hay... mga lalaki nga naman. Walang kakuntentuhan, hindi marunong magseryoso, akala yata sa mga babae, brief nila na kailangan laging pinapalitan. 'Wag na kasi silang magpalit. Ano raw? Imbis na mainis ay natawa na lang ako sa quote na naisip ko. Na-distract ako sa mga iniisip ko nang tumunog bigla ang phone ko.

From: Bes Ken
Bes, nasan ka? Kailangan nating mag-usap.

To: Bes Ken
Nasa Mcdo bayan. Punta ka na lang dito, wait kita, see you!

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip ay may lumapit sa akin na isang crew. Nilapag niya 'yong tray na may isang baso ng McFloat sa table ko, aalis na sana siya kaso nagsalita ako.

"Kuya, hindi pa ako umoorder," e totoo naman 'yon, wala nga kasi akong ganang kumain.

"Miss, pinabibigay lang no'ng guy do'n," sabay turo sa isang direksyon at bago ko pa makita kung sino ay lumapit na siya.

"Kuya—" tapos umalis na nang tuluyan 'yong crew kaya naputol ang sinasabi ko.

"Teka, he looks familiar," nahati ang atensyon ko dahil napatitig ako sa float na nasa lamesa ko na may nakaipit na note. Binasa ko agad 'yong nakasulat.

"Hi Miss! McFLOAT ka ba?

yang mga ngiti mo kasi, kasing tamis ng choco fudge, 'yong kutis mo kasing flawless ng vanilla ice cream at higit sa lahat, 'yong kagandahan mo, nagfo-float sa hangin dito sa buong Mcdo, stand out!"

By the way, I'm Cee.

Teka... parang narinig ko na 'to. Hmm... ito 'yong...

"Hi, Miss..." sabi nito na nakatayo na sa tagiliran ng table ko.

Kasalukuyan akong nakatungo at nag-iisip pa rin habang tinititigan 'yong note.

"Hello... sa—" naputol 'yong sinasabi ko.

"Ikaw?" tanong ko.

Hay, kaya naman pala familiar 'to sa akin, siya 'yon! 'Yong korning lalaki na napakahambog na ipasasagasa ko sa pison kapag hindi tumigil sa kahambugan. Sinabihan pa ako ng hindi maganda! What the heck?

"Ikaw rin?" sabi niya.

"Sa 'kin mo pa talaga gagamitin 'tong kakornihan mo, ano? Ugh!" nilayasan ko siya e kaya lang sinundan ako sa labas tapos hinawakan pa niya ako sa pulso. Mapapasagasa ko na talaga ang isang ito sa pison!

"Oh, ano na namang gusto mo?" tanong ko at inalis ang kamay niya sa pulso ko.

"Sa totoo lang, Miss..." sabi niya.

"Ano?"

"Hindi talaga para sa'yo 'yong float," napatawa pa siya sa sinasabi.

"Para do'n dapat 'yon sa chick na katabi m—" hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil para niya akong sinapak ng kaliwa't kanan.

"Kapal! Hambog! Bastos!" matik kong sigaw sa kanya.

"Gwapo naman," sabi niya tapos nakita ko pang ngumiti siya.

Tuluyan na akong umalis. Buwisit na lalaking 'yon! Ang kapal ng mukha!

Ano'ng akala mo gwapo ka? Ah oo, pero... pero... ang yabang! Ano'ng feeling mo, gusto ko 'yong pagbibigay mo ng McFloat? Grabe! Ginamit mo pa ang comfort food ko sa pambobola, at isa pa, kaya kong bumili. Asar!

Ang sarap mong buhusan ng mainit na tubig nang magising ka sa kahibangan mo. Sa sobrang frustration ko ay dumeretso na lang ako sa simbahan at nagsumbong kay God. Kung ang mga lalaki, si God ang icon sa pagtrato ng babae, e 'di sana walang hambog.

——

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now