Chapter Eighteen- Advance

211 6 12
                                    

Author's Note:

Ayan, medyo sinisipag at bumabawi ang lola niyo.

Lablab, Ryouko <3

------

Chapter Eighteen- Advance

Hay sa wakas! Sunday na! Kumbaga sa mga nagtatrabaho, Sunday ang rest day ko. Woohoo! Kagabi, nagmarathon lang ako ng anime, nagbasa ng manga na namiss ko at natulog ng bongga. Araw-araw kasi akong gumigising ng maaga at 8AM ang pasok ko. Mabuti na lang at 3PM tapos na ang classes pwera na lang pag Wednesday, hanggang 5PM ako.

Sunday ngayon, maaga pa rin akong nagising dahil nagsimba kaming magkakapamilya. Si Jillian at si Mama ay umalis at bumisita sa isang kaibigan nila ni Papa. May lakad din si Carlo, kaya naman mag-isa lang ako dito sa bahay.

Hay, walang magawa. Facebook buong umaga at puro cosplay pics ng mga kasama ko ang nakikita ko. May mga nakapost na rin na mga magazines na naglalaman ng mga cosplay photos ng mga kasama namin sa Shoot to Live. Matutuwa nito si Alexis. Tiyak marami na rin ang nalikom naming pondo. Tuwing makikita ko ang pictures nila, di ko maiwasang di maalala si Bryce, ang shoot at ang mga pics na binigay niya sa akin noong birthday ni Rianne.

Binuksan ko ulit ang envelope na naglalaman ng pics. May limang pictures na naroon. Isang picture ko na nakasuot ng costume ni Maya, maganda ang shot, dahil kitang-kita ang full moon sa background. Isang close up shoot din na ako nakahiga ako sa damuhan, hawak ang scythe. Sumunod naman na picture ay ang picture ko sa overpass, bilang Alice, namimili ng shades. Isang pic naman bilang Madhatter, hawak ang bote ng vodka at isang shot glass. At ang pinakahuling shot ang pinakagusto ko, ako na nakadukdok sa mesita, katabi ang mga halos gumulong na mga bote ng vodka, red horse at mga barahang nakakalat. Itong huli ang pinakagusto ko, kasi sa palagay ko ay talagang lasing na ako nang makuha tong picture na to.

Binalik ko muna sa envelope ang mga pictures, tutal wala pa naman akong paglalagyang album. Nakalimutan ko pala hingiin kay Bryce yung soft copy ng pics! Sayang! Di bale, pag nagkita na lang kami. Magkikita pa kaya kami?

Maya-maya lang habang pagulong-gulong lang ako sa kama, nagtext sa akin si Alexis. Nagset ng meeting sa Wednesday Afternoon, para idiscuss ang results ng Shoot to Live. Mukhang ilalabas niya na kung magkano ang preliminary funds na nalikom sa isang linggong nakalipas. Buti na lang Wednesday, hanggang 3PM lang ako.

Matapos maglunch mag-isa, nanuod ako ng ASAP. Tinatamad naman akong lumabas ngayon para magmall dahil wala naman akong kasama. Sina Carol at Alexis ay pawing busy din sa schoolworks, di ko na masyado ginugulo. Wala rin naman akong costume na ginagawa so chillax muna. Kalagitnaan ng panunood ko ay may humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin. Di ko pinansin dahil wala naman akong inaasahang bisita, tsaka kung minsan, nakikipark sa tapat ng bahay namin iyong kapitbahay namin, lalo na pag andyan yung anak niya, dalawa ang kotse na hindi kasya sa garahe nila.

Nagulat ako sa pagtunog ng doorbell. 

“Ano bay an, istorbo.”

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kung sino ang naroon.

“Hi Hime! O ano, ready ka na ba?”

Si Enzo pala.

“Anong ready pinagsasabi mo?”

“Second date natin ngayon. Manonood tayong movie.” Pumasok si Enzo sa bahay, at umupo sa sala. 

Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya.

“Hoy, anong tinutulala mo dyan? Maligo ka na at magprepare, seryoso ako. Nagpaalam na ako kay Tita kagabi, tumawag ako, sabi ko manunuod tayong movie ngayon. Dali na, shoo.”

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now