Chapter Thirteen: Alice in the City

264 8 11
                                    

Chapter Thirteen: Alice in the City

Ang init. Alas dose na ng tanghali at tirik na tirik ang araw. Nagmamadali ang mga tao na naglalakad para makahanap ng masisilungan. Pero bakit ako nandito sa taas ng overpass sa Cubao, nakacostume at nakawig habang tinutunaw ang makeup ng haring araw?

Litzi!

Flashback

Hay buhay! Kung kelan naman wala kang gagawin, saka ka naman sisipagin pero kung kelan andami mong dapat tapusin, saka naman ka tatamarin. Hay! Alas diyes na ng umaga. Tapos na ang lahat ng gawain. Naglaba na ako ng costume, nagligpit na ng kalat. Naglinis na rin ako. Pero wala ng magawa. Ayaw naman akong patulungin ni mama sa kusina kasi ginugulo ko lahat ng recipe niya dahil ginagawa kong experiment.

Amboring.

Ayoko naman magbasa ng manga ngayon. Ayaw ko rin magmarathon. Gusto kong lumabas, manood ng sine, mamasyal. Something new. Haha! Kaso wala naman akong pera.

Bigla ko namang naalala si Bryce. Kumusta na kaya ang unggoy na iyon? Matapos niya akong iwan sa kalsada after bitiwan ang mga mind-boggling words na sinabi niya, nilantakan namin ni Jillian ang donuts na bigay niya. Wala na akong narinig sa kanya mula kahapon.

Ilang araw na din at malapit na matapos ang palugit ng Shoot to Live. Kailangan, matapos na namin ang shoot this week nang sa ganoon, makapagbenta na din. Ang pinakamahirap na part ay ang pagbebenta, ang paghahanap ng bibili ng mga pictures mo. Parang nilalako mo na kasi ang sarili mo na, ewan. Ah basta.

Pagulong-gulong pa rin sa kama.

Lumipas ang trenta minutos na nakahiga pa din ako. Biglang tumunog naman ang phone ko. Tawag, may tumatawag. Tamad na tamad kong inabot ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. At sa tamad ko ding boses, sinagot ko ang tawag ng di man lang tinitingnan kung sino iyon.

“Hello?”

“Hi, uhm, bihis ka na. shoot tayo, susunduin kita. Be there in 20 minutes.”

“HA?! Sino to?”

“Baliw ka ba? Si Bryce to.”

Si Bryce pala. ^///^

“Ah okay. San ba yung shoot?”

“Sa Cubao lang. Alice in Wonderland yung theme natin ngayon.”

“Ah… okies…”

“Teka, hmm. Ganto pala, isuot mo na iyong costume mo. Para pagdating natin wig na lang at makeup. Sunduin kita in 15minutes.”

“HA?! Ambilis naman.”

“Kailangan magmadali kasi tatanghaliin tayo. Hindi mo magugustuhan.”

“Okay, sige. Ibababa ko na to at magpiprepare lang ako.”

End of Flashback.

At tama nga ang unggoy na ito, hindi ko nga magugustuhan. Dahil para akong iniihaw ng buhay dito sa gitna ng overpass. Suot ang Alice costume ko na blue dress, heto ako nakatulos sa kalsada. Alam kong basa na ang buhok ko sa loob ng cap ko at nagbabadya na ring tumulo ang pawis ng anit ko palabas ng wig cap.

Nagsisimula na ring matunaw ang foundation ko. Ano ba to, nahihirapan na din akong tumingin ng straight dahil napapakunot ang nook o sa glare ng araw. Litzi ka talaga Bryce! Pinaparusahan mo ako!

“HOY! Tumingin ka sandali dito.” Sigaw ni Bryce habang nakapwesto malapit sa hagdan, hawak ang camera niya at naghahanda na para magshoot. Actually, pinabawasan lang niya ang dumaraang tao para naman di daw matabunan ang ganda ko.

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now