Chapter Twenty- Feature

107 5 2
                                    

Chapter Twenty

Since di naman pala pwede sina Carol at Alexis, umuwi din akong mag-isa para magcelebrate ng birthday. Panay ang sorry nilang dalawa sa akin. Busy din si Christian, binati lang ako at sinabing di siya makakapunta sa celebration.

Hindi na ako makapaghintay na buksan ang envelope para makita ang mga pics ko sa issue. Oh God, ano bang kalokohan pinaggagawa ni Bryce.

Pagdating ng bahay, diretso agad ako sa kwarto. Binuksan ko agad ang gift sa akin ni Bryce. Tama nga si Rianne, issue nga ng Ota-Cos Worldwide. Sa cover nito ay picture ng isang cosplayer na nakasuot ng Madhatter costume. Pero di ko makilala kasi nakadayukdok ito sa mesa at sa paligid ay puro alak. Mata at eyelashes lang nito ang malinaw at lahat ay naka-soft focus na.

Cosplayers are just humans!

Yan ang title theme ng issue at kasabay nito ay mga title ng iba pang nilalaman ng magazine. Dahan-dahan kong flinip ang pages. Editor’s note, mabilisan kong binasa. Something about cosplayers being normal persons like us. Totoo naman sa loob-loob ko.

Next page naman ay isang article about sa sikat na cosplayer from Japan, si Yuna. Pinakita ang bedroom niya, ang mga gamit niya sa paggawa ng props at ang makina niya sa paggawa ng costume. Pinakita rin ang large collection nito ng wig, all arranged in different colors and length.

Wow.

Nakailang pages na ako pero hindi ko pa rin nakikita ang mukha ko. Medyo narerelieve na ako kahit papaano, puro kasi foreigner ang nakikita ko sa magazines. Malamang sa malamang kung lalabas man ang pics ko ay di kalakihan, tipong mga cute size kumbaga wallet size pic lang.

Pero laking gulat ko nang paglipat ko ng page ay isang one page close up ng mukha ko ang nakaprint. Okay sana kung mukha ko na maganda, di pa lusaw ang make-up at maayos pa ang wig. Pero hindi! Picture ko, ako, nakasuot ng Alice (ng Alice in Wonderland) costume, sa ilalim ng araw, pawis ang noo at nakadikit na ang ibang strands ng wig sa mukha, lusaw na ang foundation at nawala na ang lipstick. At nakazoom iyon sa mukha ko.

Katabi nito ang title print ng issue ngayon.

Cosplayers are just humans- Daily Lives of A Cosplayer” By Bryan Ace Mondragon.

OMG! Si Bryce pala ang sumulat ng article.

“People think that cosplayers are humans from the other side of the universe. But the truth is, they’re just normal persons, like us. They eat, drink, they get tired, they sleep, they perspire, they get hungry and they get drunk. I just cant believe why we have this so called cosplayer god/goddess complex, in which we treat cosplayers as some kind of a deity that common people can’t reach. Well, open your eyes folks. Cosplayers are like us, normal and ordinary humans- but they are living their lives in extraordinary ways. We should not ask too much from them, nor set our expectations way too high. They also make same mistake like us. We should not get jealous or envious of them. And if one wants to be like them, they are free to do so.”

Mahaba pa ang article pero di ko na tinapos, nilipat ko agad ang pages para makita ang ibang pang pictures ko.

Sana hindi stolen, sana hindi stolen. Tahimik kong hiling.

Pero paglipat ko- OMG ng lahat ng OMG!

Sige Bryce ikaw na, di na ako binigyan ng kahihiyan.

They dress like us. -Picture ko na nakacasual clothes.

They also have bad hair days. - Picture ko na naglalagay ng wig.

They also do their makeup. - Next, nagmemakeup. Lahat ng tatlong iyon a pics ko mula sa shoot ko ng Occult Gakuin.

Otaku Lab- LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon