Chapter Nine- Dream Shoot 1

275 6 8
                                    

Author’s Note

Dearest Readers,

Alam kong iilan-ilan lang din kayo pero super nagpapasalamat ako sa pagbabasa. Kung nakita niyo man to somewhere ng di sinasadya at walang intensyong basahin, sige na, basahin mo na rin. =]

Anyways, medyo madetalye ang shoots kaya ayun, pagpasensyahan niyo na if hindi masyado gumagalaw ang oras. Sana magustuhan niyo pa din.

Paki-like na rin at paki-vote if nagustuhan ninyo. Hingi din ng feedbacks at comments! XD di ko alam If okay ba ang story, gusto ko sana malaman mula sa inyo.

Lablab,

Ryouko

-------------------------------------->

AYAN! Pakiplay ng Video para magetz niyo ang ending song ng Occult Gakuin, kung ano yung mga shots dun na gustong gawin ni Princess. Pinaghirapan ko yan, please please paview :)

Yung pic naman na nandito ay pic ni Maya. Panoorin niyo na rin Occult Gakuin, para sa mga Anime Otaku na nandyan na mahilig sa occult, try niyo tong anime na to.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Nine- Dream Shoot 1

Nagsimula na kaming lumakad sa isang daanang papasok na ng tagong bahagi ng sementeryo. Tanghali pa lang naman at hindi pa madilim pero ang isiping nasa sementeryo kami eh talaga namang nakakapangilabot para sa akin. Pero chill lang, kunwari ayos lang ako at hindi natatakot kahit pa puro lapida nakikita ko, tuloy pa rin sa paglakad.

“Anong sementeryo to? Buti pinayagan tayong magshoot dito.” Sabi ko na lang. Aba, mahirap din maghanap ng location ah. Madalas kelangan mo pa ng permit at ng iba pang kung anik-anik na mga kasulatan. May bayad pa nga ang pictorial sa ibang locations.

“Oo, kilala na kasi kami dito.”

“Wow, ibig sabihin malakas kapit mo dito?” Manghang tanong ko.

“Ha? Anong kapit? Di uso yun dito. Dulo na to ng Bulacan halos, probinsya ng mga magulang ko. Dito talaga sila tubo, at tong sementeryo na to eh lumang sementeryo na. Noong unang panahon pa to nandito.”

“Weh? Eh bat ang ganda? Mukhang modern oh, me mga musoleo pa nga.”

“Ah, eh kasi yan yung bagong part ng sementeryo. Pero yung luma, doon tayo pupunta.”

“Weh? Buhay pa yung lumang sementeryo?”

“Oo naman, karugtong nga nitong sementeryong to. Pwede pa ring pumasok dun kasi may mga taga-rito na may mga dinadalaw pa din doon. Kaya hindi tuluyang sinara tong part na to.”

“Ah...”

“Alam mo ba kung gaano na katanda tong sementeryo? Sobrang tanda na nito, siguro isandaang taon na to mahigit.”

“Di nga?” Lalo akong kinilkilabutan habang naglalakad. Feeling ko may nakatingin sa likod ko kaya panay lingon ko sa habang naglalakad. Nagkakagoosebumps din ako kaya panay haplos ko sa braso ko para wag tumayo yung balahibo ko.

Sige pa rin si Bryce sa kwento ng tungkol dito sa sementeryo. In fairness, maganda nga ang sementeryo, well-maintained din at madaming puno. Katakot siguro dito kapag gabi at maliwanag ang buwan. Ang daming puno, antataas siguro ang tatanda na ng mga to. Ang lalaki kasi, pag niyakap mo siguro yung katawan nila dapat dalawang o tatlong tao yung yayakap.

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now