Chapter Sixteen- Last Glance

153 6 4
                                    

Author's Note

Halooo! Pasensya na at ngayon lang ang updates. Bakasyon ako sa probinsya at grabe, walang net. Heto na updates ng Otaku Lablab. Sana magustuhan nio! ;)

Lablab, Ryouko <3

----

Chapter Sixteen- Last Glance

Okay, so natapos na ang photoshoot namin. Tatlong araw na ring hindi nagpaparamdam si Bryce. Tinext ko na noong isang araw, kahapon at kanina. Wala pa ring sagot. Ayoko namang tawagan na at baka maasar sa akin. Kaso ilang araw na lang at deadline na para sa Shoot to Live. Baka wala man lang kaming mapagbentahan.

Nakahiga lang ako sa kama at pagulong-gulong. Natapos ko na ayusin ang mga bagong notebook na gagamitin ko next sem. Nakapagmodify na ako ng ilang mga costumes ko, nakahanap ng mga isasama sa cosplans pero wala pa ring text ni Bryce. Naiisipan ko nan gang puntahan na lang si Bryce sa bahay nila, kaso uber kapal naman ng mukha ko noon. Ni hindi ko nga rin alam exact address nila.

“Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

Yan, malamang ang sasabihin sa akin ng mokong na iyon. Tsk.

Tumayo ako at binuksan ang laptop, makapag-internet na nga lang at baka may maganda at interesante pang magawa. Binuksan ko ang facebook account ko para makibalita at makichismis na rin. Nakita ko sa feeds ang iba-ibang pictures ng mga kasama ko sa Shoot to Live, pawang mga teasers ng mga shoots nila. In fairness lahat magaganda. Hay… Samantalang ako, ni isang picture ko hindi ko pa nakikita.

Patuloy akong nagbabrowse ng mga pics nina Carol at ng photographer niya. Nakita ko rin ang isang pic ni Rianne, nakasuot siya ng Alisa Bosconovitch na costume. Moe~ Friend pala siya ni Carol, nagcomment kasi si Carol sa isang pic niya.

Si Bryce ba friend ko sa fb? Tinry kong hanapin si Bryce pero ibang mga tao naman ang lumalabas, kahit pa itype ko ang tunay na pangalan niya sa fb. Hay naku, suko na ako. Wala na, talo na kami sa Shoot to Live. Competition? LOL. Effort pa naman ang ginawa ko at ilang rules na sa bahay ang binreak ko para lang sa mga photoshoot na iyon. Dream photoshoot daw? Tsk.

Parang naririnig ko pa ang boses ni Bryce noong tanungin niya sa akin iyon. Grrr. Tapos ngayon di siya nagpaparamdam. Grrrrr x2.

Palog-out na ako nang biglang nagmessage si Carol.

Carol: Girl! Sis! Kumusta shoot? :P

Princess: Ayun, tapos na. Nakapagbenta na kayo ng pics?

Carol: Yup yup. Nakakatuwa nga eh. Ang bait ni Kris eh, siya na daw bahala. Nakita mo ba teasers ko? Ang gaganda noh?

Princess: Nagbuhat ng sariling bangko. Hahaha! Oo, maganda nga. Buti ka pa, iyong sa akin hindi ko pa nakikita eh. 

Carol: Ha? Eh malapit na deadline ah, next week na. Tapos noon eh pasukan na uli. 

Princess: Kaya nga eh. Hay naku. Kakalbuhin ko si Bryce pag nagkita kami.

Carol: Ay oo nga pala. Speaking! May lakad daw lahat ng models at photogs. Sa Mega, meetup daw eh. Congratulatory party.

Princess: Ngee, may ganun? Eh anong kacongra-congratulate sa amin? Wala pa nga kaming nabebenta.

Carol: Punta ka na, pupunta halos lahat eh.

Princess: Tinatamad ako.

Carol: Killjoy! Punta ka na, wala ka namang gagawin eh. May theme pala, best gothic attire, with makeup. LOL

Princess: Nubayan, ang arte!

Carol: Punta ka na, dadaanan kita. 2PM ha.

Princess: Pag di ako tinext ni Bryce, pupunta ako.

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now