Chapter Nineteen - Results

105 5 2
                                    

Dear readers,

Sa mga matyagang nagbabasa, salamat.

Ryouko

Chapter Nineteen- Results

“Happy birthday Princess!”

Yan ang gumising sa akin, as usual ang naunang bumati ay sina mama at papa at ang dalawang kapatid ko. Ay, nauna palang bumati si Enzo kahapon, haha. Nakaugalian na naming pamilya na pag may birthday, gigisingin tapos ibibigay na agad ang gift. Kaya ang aga pa lang, nandoon na sila sa kwarto ko. Binuksan ko ang mga regalo ko galing kina mama at papa. Isang cute na dress at kwintas na may design na crown. Galing kay papa ang kwintas, may note pa siya na “Heads up Princess or the crown will fall.” Ang sweet nila. Si Jillian naman ay isang card ang gift sa akin, drawing niya ng isang girl na may suot ding crown, siyempre prinsesa at ako daw iyon. Si Carl naman ang regalo sa akin eh isang stuff toy ng cute na pagong. Pinagyayakap ko silang lahat at tumayo.

Maaga kaming nag-almusal dahil pare-parehong may pasok. Nauna na si papa at hinatid ang dalawa kong kapatid. Sumunod naman kami ni mama na umalis, dahil pupunta siya sa palengke para bumili ng panghanda mamayang dinner.

Bago mag-8AM, nasa campus na ako. Nagscan lang ako ng notes habang naghihintay ng prof. Maya-maya dumating si Carol, dumaan lang para bumati at ipaalala na may meeting pala kami sa AES para sa Shoot to Live. Wenx, ipapakita na ang results mamaya, pupunta kaya silang lahat? Pati kaya si Bryce?

Natawa na lang ako sa iniisip ko. Malamang busy na si Bryce ngayon, hello, bati na kaya sila ni Rianne. Pumapalakpak na ang tenga noon at ngiti ng todo. LOL

Tuloy-tuloy pa sana ang pagdidaydream ko pero dumating na ang prof at mabilis na nagpaquiz. Hay buhay, di pa rin talaga excuse ang birthday para sa mga surprise quizzes.

--

Hapon na. Ambilis ng oras. Time flies talaga! Kanina lang 8AM pa lang, ngayon 3PM na. Palabas na ako ng klase para pumunta sa AES. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil baka wala kaming benta ni Bryce at nasa bottom kami ng fundraising. Good luck talaga, kahit paano eh mahuhurt ako kasi ako ang model at picture ko ang binebenta. Pangalawang kinakabahan ako eh ang makita si Bryce. Di ko alam kung bakit, kinakabahan ako pag nakitang bottom kami tapos andun din si Bryce. Shetness maximum level! Feeling ko double hurt iyon, baka irapan pa ako ni Bryce o sisihin niya dahil bottom kami. Pero di naman siya nagpatulong sa akin kahit isa sa pagbebenta ng pics. Ewan ko nga kung saan niya binenta. Malamang pag ininterview ako ng mga kasama ko, puro ewan ang sagot ko. Wenx.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng AES. Pumasok na ako at nakita ko na rin sina Carol at Alexis na nasa loob.

“Hi Princess! Happy birthday!” Bati sa akin ni Alexis saka ako niyakap. Humabol na din si Carol ng yakap sa akin.

“Thanks guys, punta kayo sa bahay mamaya? May konting handa.”

“Tingnan ko sis. O ano, kumusta naman ang fundraising?” Tanong ni Alexis.

“Ewan.” Kibit balikat kong sagot.

“Anong ewan?” Singit ni Carol.

“Ewan ko, hindi ko alam. Bahala na daw si Bryce eh, ewan ko kung saan dinala yung mga pictures ko. Baka nakakalat sa mga bahay-bahay at ginawang panakot sa daga.”

“Bitter ka girl. Ano bang nangyari?”

“Eh kasi naman, after ng mga shoot, never na ako kinontak ni Bryce para sa pagtitinda ng mga pics. Sabi niya siya na daw bahala.”

“Kumusta ba ang na-earn namin ni Bryce Alexis? Di naman kami bottom earners siguro no?”

“Ah, about that. Hindi ko pa alam kasi almost one week din akong walang contact kay Bryce. Last check ko, wala pa kayong nalikom kahit isang piso.”

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now