Prologue

669 10 4
                                    

 Princess

“Christian!”

Sumigaw ako ng malakas para marinig niya ako pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

“Christian, wait.”

Grabe naman tong lalakeng to, kung makalakad, parang tumatakbo. Brisk walking? May marathon? Ang hirap kayang maglakad ng nakaheels tapos nakacostume pa. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa ginagawa, nakikita ko ang iba na gustong patigilin ako para makapagpapicture pero hindi ko muna sila pinansin at todo habol ako sa mokong na to na bingi na ata. Ilang hakbang na lang, naabutan ko rin. Hinablot ko yung likod ng damit niya para tumigil, sakto naman na may nagmamadaling mama sa likuran ko, naitulak niya ako papunta kay Christian. Napakapit tuloy ako lalo sa kanya at napasubsob pa yung mukha ko. Amp naman na mamang yun. Inayos ko ang wig ko pati na rin ang damit na suot ko.

“Grabe ka Christian, ang bilis mo maglakad, hindi mo pa ako pinapansin.” Patuloy ko habang inaayos ko ang costume ko. “Bat ba nagmamadali ka?” Sabay angat ko ng mata para tingnan ang reaksyon niya. Pero iba ang nakita ko. Iba. Dahil hindi si Christian ang lalakeng nasa harapan ko. 

“Hindi ako si Christian. Tsk.” 

Bryce

"Hindi ako si Christian. Tsk." Iritang sabi ko sa babaeng nakahawak sa damit ko at sumubsob nung may dumaang lalakeng nagmamadali. Kanina ko pa naririnig na may tumatawag sa likod ko ng Christian pero hindi ako lumilingon kasi hindi nga ako yun. Itong babae palang ito ang sumisigaw na yun. Nakakairita. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya at nakita ko ang pagkagulat nang marealize niya na ibang tao pala ang hawak hawak niya at tinatawag. Kitang-kita ko rin ang pagpula ng mukha niya.

Kung ibang araw sana to, matatawa na lamang ako sa nangyari. Malamang kinausap ko pa tong babae sa harap ko, pero bad mood ako at bad trip ako, at ayoko marinig na tinatawag sa ibang pangalan lalo na ng pangalang Christian. Nakakairita.

Minasdan ko ulit yung babaeng nakabangga saken. Nakasuot siya ng wig na kulay apple green, mahaba to at hanggang bewang ata. Nakasuot din siya ng cowboy hat at fitted na tube na kulay itm at nakaboots na pang-cowboy din. Hanep sa get-up. Tamang-tama sa character. Kaso lang, cosplayer. Napaismid ako sa naisip ko at tumalikod na lang. Sorry miss, kahit gaano ka pa kaganda, kung cosplayer ka, wag na lang. Saka ako naglakad palayo. Bad trip.

Otaku Lab- LabOnde histórias criam vida. Descubra agora