Chapter Twenty One- OMG!

143 8 9
                                    

Okay, medyo OA mang sabihin pero medyo nakatulong nga ang pagkakafeature ko sa Ota-Cos para masabing sumikat ako nang mabilis. Akalain mo bang one week matapos lumabas ang issue ay may mga nagsipag-add sa akin sa facebook na hindi ko kilala. Karamihan mga cosplayer, may mga foreign cosplayer pa. May photographers, cosplayer groups atbp mga groups na nagsulputan sa notifs ko. Iniba ko muna tuloy ang pangalan ko sa facebook at gumawa ako ng sariling cosplay account.

History of cosplay accounts. Dati kasi, medyo tinatago ko pa sa mundo na cosplayer ako. I mean, ayun, di ko naman tinatanggi. Pero maraming tao pa rin ang nawiwirduhan kapag sinasabi mong cosplayer ka. Tipong "Ay talaga nagkocosplay ka? Ano iyon?" tapos kapag sinabi mo na ganito ang ginagawa mo, ganto ganyan blah blah blah echus echus, ang isasagot lan sa iyo ay "Ahhhh" with matching "ang weird mo te" look.

Kaya gumawa ako ng cosplay account. Madalas kasi kapag natatag ka sa pics mo na naka-cos sa formal account mo, bigla na lang napagchichismisan ka sa classroom. Tapos kung may mga activities sa school na need ng costume, ikaw hahanapin nila.

"Princess, may costume ka ng Maria Clara? Eh baka iyong ibang friends mo may costume ng Katipunero? "

Tapos kapag Christmas Party na may theme, ikaw din lalapitan. Hihiraman ng kung anik-anik na costume. Hay, jusme, sumasakit ulo ko kapag ganyang mga oras. Pano ba naman, hindi ko talaga ma-take na may magsusuot ng costume ko tapos hindi naman niya kilala or wala man lang siya kabackground-background sa character.

Parang fashion show na ang dating at hindi na cosplay.

Okay sige, ako na maarte at exag makareact.

Anyways, matapos kong magawa ang cosplay account ay marami ngang nag-add sa akin. At kahit na pa-araw-araw ko siyang icheck, may mga masugid pa ding followers. Di nauubos ang notifs ko. Exag, feeling super sikat.

Hindi lang siguro ako sanay na mabigyan ng ganitong klase ng atensyon. Naman, sa cosplay world, kapag may kumuha ng pics ko na photog at may moment na ikaw lang ang pinipicture-an nilang lahat ng sabay-sabay, happiest moment ko na iyon. Lalo na rin pag naririnig mo ang mga taong nagpapapic dahil nabigyan mo ng justice ang character na favorite or kung hindi man, kilala nila, sapat na sa akin iyon.

Never kong hiniling sumikat, magmodel or magkamovie or magkashow. Sobra na iyon, sobra.

Kaya naman, di ko kinaya ang mga nangyayari nitong nakaraang mga linggo.

Matapos ba naman i-endorse ni "Cosplay Goddess" Alena sa show niya ang magazine bilang isa sa mga favorite niya, nakatanggap ako ng subpoena mula sa cosplay community. Magpakita na daw ako at sila ay naiintriga. Si Bryce, kilala na nilang lahat dahil sikat na nga itong photographer bago pa ito magventure sa cosplay (uhuh), hinahanap nila ang fresh face na fineature nito.

At ako iyon. Magpakita raw ako sa isang convention. Sa convention ng Animax, sa December 3, sa SMX ulit, any cosplay of character of choice daw.

Nagkaroon tuloy ako ng dagdag na sakit na ulo. Malapit pa naman ang exams sa time na iyon. Ngayon nga, nirurush ko ang requirements ko sa prelims. Tapos gagawa pa ako ng costume. Di ko rin naman matanggihan iyong pag-summon nila sa akin. Tumawag kasi ang organizers, tapos pinadalhan ako ng sulat sa bahay, at sa email at sa facebook. Wala kang kawala talaga.

Nasa ganito akong pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Ui." Sabi niya.

"Ui din." Sabi ko.

"Ano kasi..."  Siya.

"Oh ano?"  Ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Otaku Lab- LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon