Chapter Six- Played by Fate

331 10 7
                                    

AUTHOR'S NOTE

Wee, thanks sa mga nagbabasa at babasa pa. :) Balak kong tapusin ang story na to within this year. hehe! :) Thanks for reading and voting XD

May story na naman kasing nagsusumigaw sa utak ko, need may matapos akong isa para maisulat ko. 

Lablab, Ryouko

--------------------------------------------------------------

CHAPTER SIX- PLAYED BY FATE 

“Okay, class dismissed.”

Isa-isang nagtayuan ang mga kaklase ko at nagsilabasan ng classroom, habang ako eh patuloy lang sa pag-upo at patuloy lang sa pagtingin sa labas ng bintana. Biglang may lumapag na kung anong papel sa desk ko. Tiningnan ko kung ano yun at nakita kong nasa harap ko na rin pala si Alexis.

“Wala ka bang balak tumayo diyan?”

“Wala naman na tayong susunod na klase kaya nakakatamad umalis.”

“Wala na tayong klase, pero yung iba meron pa. At andun sila sa pintuan, di makapasok kasi andito pa tayo.” Tinuro ni Alexis ang mangilan-ngilang mga estudyante na nasa pinto na nag-aantay sa pag-alis namin para sila naman ang makapasok.

“Tara.”

Mabilis akong tumayo at kinuha ko lahat ng mga gamit ko sa desk at lumabas ng classroom, kasunod ko si Alexis. Hindi ko alam kung bakit isang linggon na ang lumipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang eksena sa Boa, si Mr. Sungit at lahat ng mga nangyari. Nagrereplay sa utak ko. Ano ba to?? Napailing ako ng malakas.

“Anong problema mo?” Nakatitig sa akin si Alexis na parang nagtataka.

“Wala naman.”

“Ang weird mo. Oh eto, basahin mo.”

Inabot saken ni Alexis ang papel na kanina eh binagsak niya sa desk ko. Plan pala yun para sa isang project ng Org namin.

“Kasali ka diyan ha, nakalista ka na.”

“Ano? Bakit? Ayoko nga!”

“Maawa ka sa mahihirap na pwedeng matulungan dahil diyan! Sobra to!”

“Ano naman isusuot ko dito? Grabe naman Alexis, abusing of powers naman yan. Power tripper! Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko sumali.” Nakasimangot kong sabi.

“Ano ka ba? Lahat kayo sinali ko. Lahat ng tingin kong the best. Lima kaya kayong kasali. Sembreak na kaya next week, dun niyo naman gagawin yan eh.”

“Yun na nga eh, bago magsembreak eh final exams. Pano ako makakapagcontrate?” Kamot ulo kong sabi sa kanya habang nakatitig sa plano ng event.

“Sira ka talaga, ano bang nakasulat diyan? Nakasulat ba dyan bagong costume ang kelangan? Gagamitan ba ng utak yang event na yan at pagdating ng sembreak ubos na utak mo dahil sa finals? Basahin mo kaya!” Kinutusan ako ng bahagya ni Alexis at patuloy kaming naglakad papunta sa cafeteria. Sinimulan ko na ring basahin ang plano ng event.

Kasali kami ni Alexis at Carol sa isang organization sa university namin. Anime Enthusiasts Society (AES) ang pangalan ng org namin na kinabibilangan ng mga anime otaku at cosplayers sa buong university. Bagaman, hindi kalakihan ang mga miyembro naming, active naman ang org lalo na sa mga Cause projects. Kilala din ang Org bilang tahanan ng mga matatalinong estudyante ng university. Madalas, ang mga dean’s listers at honors ay mga otaku.

Ngayong month nga ng October, gaganapin uli ang isang annual event ng AES, ang Cause-play, kung saan magkocosplay ang mga cosplayers para makalikom ng funds para sa isang institution. Madalas naming tulungan ang mga maliliit na bahay-ampunan.

Otaku Lab- LabUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum