Chapter Five- Catch me Im Falling

295 9 7
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hello! Update uli. Sorry hindi ako kasing bilis ng iba. Salamat sa mga nagvovote at nagbabasa. Salamat talaga! :) sana magustuhan niyong lahat!

Lablab, Ryouko

------------------------------------------

BLACK ROCK SHOOTER -------------------------------------------------------->

Nanghiram uli ako ng pic ng isang cosplayer. Credits to her! :) 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER FIVE- CATCH ME IM FALLING

Princess

“Hindi ako si Christian.”

Nagulat ako sa sinabi ng lalake na nasa harap ko. Inangat ko ang mukha ko para makita ang mukha ng lalakeng hinahabol ko at- Siyet! Hindi nga siya si Christian! Hindi ko alam kung paano nangyari na ibang tao ngayon ang kaharap ko.

Tinitigan ko ang mukha niya, ang gwapo! Itim na itim ang mata na kung makatitig para kang hinihypnotize. Nahypnotize nga ata ako, ilang segundo din akong nakatulala sa kanya.

“Tsk.”

Nabasag ang pantasya ko sa narinig ko. Naiiritang tinitigan ako ng lalake mula ulo hanggang paa. Napasabay na lang ang mata ko sa pagmasid niya sa katawan ko. Umismid lalo. Lalo akong naconscoius at nahiya. Namumula ang mukhang inayos ko ang buhok ko, este wig, na dumikit sa gilid ng pisngi ko.

“Ang tagal mo  nakatitig saken, pasado na ba ako sa taste mo?” Sarkastikong tanong ng lalake.

“Pero sorry, hindi ako yung Christian na hinahanap mo.”  Patuyang ngumiti ang lalake at tumalikod na bigla.

“Ah eh-” Magsasalita na sana ako kaso nabitin sa ere yung mga salitang sasabihin ko. Anong gagawin ko? Tarantang tanong ko sa sarili. Humakbang ako palapit sa kanya, sinundan ko sakto namang may isang batang tumatakbo sa likod ko.

“Mommy, doon tayo kay Domo-kun!” sigaw ng bata at tumakbo ng mabilis sa likod ko, sabay overtake!

Na-outbalance ako at matutumba na, naghanap ako ng makakapitan. Lintik, mukhang hahalik ako sa lupa. May nakita akong kulay itim at basta ko na lang hinablot. Bahala na, ayoko namang humalik sa lupa ng tuluyan noh. Buong pwersa kong hinablot ang itim na bagay na nakita ko. Kahit papaano eh nabawasan naman daw yung velocity at yung expected impact ng pagbagsak ko sa semento.

Pero wala eh. Hahalik talaga ako sa lupa ngayon. Syet!

-Blag!

Malakas pa rin yung bagsak ko, pero hindi kasing lakas kung wala akong nahawakan. Woot, speaking of nahawakan, nakita ko ang itim na bagay sa kamay ko. Leather iyon at mahaba.

Wahhhhhhh! Hindi pala bastang bagay yung nahawakan ko! Nahawakan at nahila ko ang isang damit ng isang kung sinumang cosplayer! Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakadapa ko sa sahig.

Aray. Ang sakit ng buong katawan ko. Bigla akong nakarinig ng tili at nagulat ako sa pinagmulan ng boses.

Sa tapat ng pinagbagsakan ko ay nakatayo ang isang cosplayer ng Black Rock Shooter! Nakabikini top na lang at naka shorts. Wala na ang coat na suot…

Bigla akong napatingin sa itim na bagay na nasa kamay ko. Wahhh!! Nahila ko ang coat ni Black Rock Shooter cosplayer! Kaya pala kung makatili!!!!! Pinipilit kong tumayo para maibalik sana sa kanya yung damit niya pero- argh, ang hirap tumayo ng nakaboots at walang hihila sayo.

Otaku Lab- LabWo Geschichten leben. Entdecke jetzt