Chapter Eleven- Encounters

293 8 5
                                    

Author's Note:

Para kay Kapatid na Hanako- sa walang sawang pagsubaybay.

Lablab, Ryouko <3

-------------------------------------------

Chapter Eleven- Encounters

Walang magawa. Grabe, tulog na tulog na agad si Bryce, halos 30mins pa lang ang lumipas. Nagscan ako ng dvd na nasa shelf at nagtingin ng magugustuhan. Woot, andami kaso kapag nasimulan ko ang isang anime, gustong-gusto ko na agad tapusin. Lipat naman ako sa kabilang shelf, mga manga naman ang laman. Andami, puro occult din, may Mushishi, may Higurashi at marami pang iba. Tingin ako sa 2nd layer ng shelf, may nakita akong parang photobook. Hinila ko at tiningnan. Sa harap nito ay may sulat kamay ng isang bata, krayola na kulay ang ipinansulat ng “My Album” at sa baba nito ay may nakadikit na star na ginupit mula sa artpaper. Mukhang album ata to ni Bryce. Kinuha ko ang album at umupo sa carpet at sinimulan tong buksan.

Sa unang page, may nakadikit na baby picture ni Bryce. Nakapikit ito at tulog, tapos may arrow na ginuhit nakaturo sa picture, katabi ng arrow may nakasulat, “Ako to!”. Hahaha Ang kulet lang eh. Nilipat ko uli ang pahina, may drawing ng isang bata, stick figure pero nakawide smile tapos naka-peace sign. May short description ni Bryce, parang Slumbook, Name: Bryce Mondragon, Age: 6 years old. Kasunod na pahina naman ang mga larawan ng magulang ni Bryce. Ang mama at papa niya na parehong nakangiti habang kalong-kalong ang isang 3 years old na Bryce. Nilipat ko na uli at ilang childhood pics pa ni Bryce ang nakita ko. Ang kapal din ng album, nagulat ako dahil nung huling lipat ko, maayos na ang sulat. Ah, kaya pala, elementary at highschool na si Bryce dito, may mga pics siya noong patpatin pa lang siya. Mga kuha sa eskwela, ilang contest shots, pictures ng barkada, pictures noong graduation nila, isang picture na nagspeech siya sa stage at isang picture na kasama ang isang babae, JS prom.

Binuklat ko uli, next chapter na naman, college naman na si Bryce. Yung unang pic eh pic niya nung kumuha siya ng entrance exam sa university nila. Sumunod doon ay isang pic niya na background ang logo ng University of the Philippines. Nagbago na itsura ni Bryce dito, din a siya payat, nagkalaman na at sakto lang ang katawan. Lahat ng pics nito, nakangiti pero bakit pag ako ang kasama niya, parang ang seryoso niya. Minsan ko lang nakikitang ngumingiti. Binuklat ko ang huling page na may picture at nakita ko si Bryce nakangiti at may kaakbay na babae na tinusok niya kunwari ang pisngi. Naka-puff ang cheeks ng babae pero nakangiti habang kunot ang ilong. Ang cute nilang tingnan.  Tinitigan ko ang babae, parang nakita ko na dati. Hindi ko lang gaanong maalala kung saan. Teka, parang, may kamukha eh. Pinukpok ko ng mahina ang ulo ko habang nakatitig sa larawan. Lagi ko yung ginagwa kapag may gusto akong alalahanin, madalas effective. Sino na nga ba to?

Pukpok ng mahina sa ulo…

Walang nangyari…

Isang pukpok pa…

Hint of recognition, 30%...

Parang si—ano nga ba pangalan nun? Yung nakita ko nung—teka kelan ba yun? Argh si—

Biglang may kumatok sa pinto, nagulat ako. Imbes na maalala ko na kung sino yung babae, nakalimutan ko uli! Lumingon ako at nakita kong pumasok si Nang Ameng sa kwarto, naglakad palapit sa akin, may dala-dalang damit.

“Good morning po.” Bati ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at bumati rin.

“Good morning Iha, Princess tama ba?”

“Opo.”

“Dinala ko tong damit na suot mo kagabi, nilabhan ko na yan. Pwede mo ng magamit.” Inabot niya sa akin ang short at T-shirt ko kagabi. Kinuha ko iyon at nilapag sa kandungan ko.

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now