Chapter Eight- Arrival

254 9 1
                                    

Dear Readers (or kung sinuman natingin ngayon sa update na to)

Thanks a lot for reading my works! :) Hopefully, matatapos na din tong story na to by December para matapos ko na rin yung Codename: Akineton at pinapatay na ako sa pangungulit ng number one fan ko dun. vn_n mwahaha anyways, enjoy reading! comment naman diyan! 

Lablab,

Ryouko <3

---------------------------------------------------------------------------------

Chapter Eight- Arrival

Alas Siyete pa lang gising na ako para maghanda sa shoot. Wala si mommy at namalengke, kaya nagluto na lang ako ng pancit canton at nagsangag ng kanin para sa almusal ko. Nagsaing na rin ako para sa babaunin ko for lunch. Mukhang mahaba ang shoot, gagabihin daw eh. Bakit kaya?

Binuksan ko ang ref at kumuha ng hotdog at pinrito. Ito na lang lunch ko, hahaha. Mabilis pang iluto. Matapos makakain at maihanda na ang baon, umakyat na ako sa kwarto para makaligo at icheck ang gamit ko.

Tiningnan ko ang maleta ko na naglalaman ng costumes ko, pati na rin sapatos at tsinelas. Kasama na din ang wig, wig cap at iba pang mga cosplay essentials gaya ng perdible, make up, salamin, suklay na malalaki ang ngipin. Sa isang supot naman nandun ang props ko. Putol pa iyon at wala pang staff, yung mismong “blade” lang. Okay, check. Ayos na lahat. Mabilis akong naligo at nagbihis para sa shoot, maong na walking shorts at white na shirt at sneakers. Ayos to, rugged para sa mabilisang kilos.

8:30 AM. Nasa parking lot na ako ng Zenith Square. Bakit kaya dito pa kailangang magmeet? Sabagay, sarado pa naman ang mall kaya okay na rin. Tsaka mas malapit tong parking lot sa mga paradahan ng mga jeep na papunta sa iba’t ibang lugar. Kaya siguro.

Habang naghihintay ay nakinig muna ako sa ilang mp3 na nasa phone ko. Sa ngayon, paborito ko ata ang masasayang kanta ng Girl’s Generation, yung Gee! Tuwang tuwa talaga ako dun, napakafun at upbeat, napapasayaw ako kahit di ako marunong sumayaw. Makailang ulit kong pinatugtog ang Gee at kung minsan nga eh sinasabayan ko pa yung English lyrics. Pangatlong beses ng ulit ay-

“Gee gee gee gee baby baby ba-“ Nagulat ako ng may humintong sasakyan sa harapan ko, kulay itim iyon. Hindi ko alam kung anong model to at mahina naman ako sa mga type ng sasakyan. Maya-maya bumaba ang salamin ng driver’s side at nakita ko ang mukha ni Sungit, este ni Bryce.

“Hi, kanina ka pa?”

“Ha-ah eh hindi naman. Inagahan ko lang talaga.”

“Lika, sakay ka na. Uhm, teka.” Bumaba si Bryce at binuksan ang likurang pinto ng sasakyan.

“Dito mo na ilagay yang mga gamit mo.” Isa-isa naming nilagay yung maleta at props ko sa loob. Papasok n asana ako para umupo pero biglang sinara ni Bryce yung pinto. Nagulat ako at napatingin sa kanya.

“Doon ka sa harap umupo.” Tangang napatingin ako sa kanya.

“Ayaw mo kong katabi? Mas ayaw ko naman magmukha mo akong driver.” Umikot si Bryce at sumakay na driver’s seat. Napilitan akong umupo sa harap. Sinara ko ang pinto at parang tuod na umupo. Maya maya nagsimula nang magdrive si Bryce paalis ng parking lot ng Zenith.

“Seat belt mo.”

“Ha? Oo pala.” Inapuhap ko ang seat belt at sinuot yun. Amp, ang hirap isuot, parang nastuck ata yung seatbelt, hinihila ko ayaw mastretch. Huminto ang sasakyan at stoplight na rin naman. At ako, hindi ko pa rin masuot yung seatbelt. Hila ako ng hila ng biglang-

Dumukwang si Bryce sa upuan ko. Napatigil ako at hindi nakagalaw. Ang lapit ng mukha ni Bryce sa mukha ko, naaamoy ko yung pabangong gamit niya. Ngayon lang ako nabanguhan sa panlalakeng cologne. Hinila ni Bryce yung seatbelt sa gilid ko. Ayun, nagstretch din. Sinuot niya sa akin yung seat belt at bumalik uli sa pagmamaneho.

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now