Chapter Four - Mistaken Identity

343 11 13
                                    

Author's Note

Sana ay magustuhan niyo. Medyo maikli nga lang ang updates. Pasensya na. Keep on reading.

Penge po ng comments if like niyo or hindi yung story. 

Lablab,

Ryouko

 --------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4- Mistaken Identity

Bryce's Point of View

Nakakaasar ang araw na to. Ang daming tao dito sa SMX. Oo, anime convention, alam ko yun. Andaming cosplayers at andaming tao. Nagkalat din ang mga photographers, pedo-graphers at mga feeling photographers sa paligid. Nagkalat din ang mga babaeng nakacostume, pati mga lalakeng nakabihis ng babae. Cross dresser? Nagkalat din ang mga lalakeng feeling gwapo dahil nakacostume sila. Tipong tumaas ang confidence level nung nagsuot lang ng costume. Ang hahangin, kung makapose, tingnan niyo nga itsura niyo sa salamin. Tsk tsk.

Di ko alam bat andaming naloloko sa cosplay na to. Magastos, mahal at hindi praktikal. Kung ito ang isang uri ng bisyo, ito ang bisyo na hinding-hindi ko titikman o gustuhing maranasan.

Noon siguro, pwede. Noong hindi ko pa nakilala si- ayoko na isipin ang mga panget na bagay, sumasama lalo ang mood ko.

Mabilis akong naglakad sa dagat ng mga cosplayers sa loob ng SMX. Kung bakit kasi, ito pa ang dapat na icover ko ngayong araw. Brings back bad memories making me sick down to my guts. Ugh!

I have nothing against anime and stuffs related to it. Actually, I read manga and watch anime that suits my tastes, mostly occult and paranormal, psychological and serious stuffs. I have nothing against cosplay, I’ve admired it for so long. Until I met someone who wracked my whole world and turned my peachy view of the cosplay world into something crappy and full of nonsense.

Naghanap ako ng mga pwedeng makuhanan ng picture habang naglalakad. Nakakita ako ng mga cosplayers in robot suits, mga characters na kilala ko at kilala ng marami. Kinunan ko ng picture si Aisaka Taiga, si Goku na naka-Super Saiyan form pati na rin ang buong grupo nila.

Lakad lakad, siksik-siksik. Kung saan madaming kislapan ng flash, pinupuntahan ko para makita if worth it ba ifeature ang subject na pinagkakaguluhan nila.

Pinuntahan ko ang isang kumpulan at nakita ko ang isang cosplayer na nagpoportray ng character ni Ana ng Tekken. Hapit ang Chinese dress at kita ang cleavage niya sa damit niya. Alam na kung bakit pinagkakaguluhan siya ng madaming photographers pati na rin mga kalalakihan. Tsk tsk.

Lumipat ako sa ibang grupo at sinilip kung sino ang pinagkakaguluhan.

Pero hindi ko na dapat pala ginawa yun, dahil nakita ko ang taong ayaw ko makita. Nagpopose at todo ang ngiti habang suot ang bikini top na black, leather shorts at kita ang tiyan. May suot din itong coat na black. Black Rock Shooter.

Nilulunod na siya ng flash ng mga camera. Padami ng padami ang mga kumukuha ng pictures niya. Meron pa atang balak antayin na matapos lahat ng kumukuha para makunan ng solo pic ang babaeng ito. Humakbang ako palikod para hindi na niya ako makita o mapansin. Pero sa tangkad ko, nakita niya ako.

“Bryce!”

Wala na, nakita na ako. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makapagtago. Dapat napaghandaan ko ng makita siya sa araw na to, dahil ito ang mundo niya. Pero kinalimutan ko, at ngayon hinahabol ako ng sarili kong multo.

“Hi Andrei, kumusta ka na?” Nakangiti sakin ang black rock shooter at mabilis na lumapit sakin. Nagsipagtabi ang mga photographers at sinundan siya ng tingin habang palapit saken. Maraming bulungan ang aking narinig, malamang nagtataka kung sino ako at bakit kilala ako ng babaeng pinagpipiyestahan ng mga mata nila.

“Mukhang bago yang camera mo ah? Kumusta ka na?”

Tinikom ko ang mga labi ko at mataman lang na tinitigan siya. Akalain mo bang ang babaeng ito ay dating parte ng buhay ko.

“Mabuti naman ako Rianne. Ikaw?”

“Mabuti rin.” Ginalaw niya ang mga kamay niya sa paraang tila sinasabi sakin “Look at me.”

“Good.”

“O siya, balik muna ako sa kanila.” Tinapik niya ng bahagya ang mukha ko at bumalik sa kumpol ng photographers na inabutan ko kanina. Muli na namang nagpose sa mga kumukuha.

Mabilis akong umalis sa lugar na iyon at parang bumigat kasi ang hangin. Tension is in the air at sinasakal ako ng tensyong iyon. Bumabalik lang ang mga malulungkot na memories kasabay ng mga magagandang memories ko kasama si Rianne. At hindi ko rin maiwasang mainis. Kaya bago pa man tuluyang masira ang araw ko, tinakasan ko na ang lahat. Mabilis ang naglakad palayo sa pwestong kinaroroonan niya.

Distraction. I need something to distract me.

Pero lahat ng cosplayers na makikita ko eh nagpapaalala lang saken kay Rianne.

Kung pumasok muna kaya ako sa loob para tumingin sa mga stalls? Binilisan ko ang lakad at binaybay ko ang corridor ng Function halls ng SMX. Hindi ko na pinapansin ang mga nakakasalubong ko. Wala na akong pakialam. Every face is just a blur.

Sa likod ko, may tawag ng tawag. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, ako yung tinutukoy niya kahit hindi naman pangalan ko ang sinisigaw nung boses.

“Christian wait!”

Maya maya naramdaman ko na lamang na may humablot ng likod ng Tshirt ko. Ilang segundo bago ako makaharap upang tingnan ang misteryosong babaeng nakakapit saken, sakto naming napasubsob na siya ng tuluyan sa likod ko.

Argh! Kaasar, kung kelan naman naaasar ako saka naman dumarating at nagpapakita ang mga bagay at tao na magpapainis saken.

"Hindi ako si Christian. Tsk." Iritang sabi ko sa babaeng nakahawak sa damit ko at sumubsob nung may dumaang lalakeng nagmamadali. Kanina ko pa naririnig na may tumatawag sa likod ko ng Christian pero hindi ako lumilingon kasi hindi nga ako yun. Itong babae palang ito ang sumisigaw na yun. Nakakairita. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya at nakita ko ang pagkagulat nang marealize niya na ibang tao pala ang hawak hawak niya at tinatawag. Kitang-kita ko rin ang pagpula ng mukha niya.

Kung ibang araw sana to, matatawa na lamang ako sa nangyari. Malamang kinausap ko pa tong babae sa harap ko, pero bad mood ako at bad trip ako, at ayoko marinig na tinatawag sa ibang pangalan lalo na ng pangalang Christian. Nakakairita.

Minasdan ko ulit yung babaeng nakabangga saken. Nakasuot siya ng wig na kulay apple green, mahaba to at hanggang bewang ata. Nakasuot din siya ng cowboy hat at fitted na tube na kulay itm at nakaboots na pang-cowboy din. Hanep sa get-up. Tamang-tama sa character. Kaso lang, cosplayer. Napaismid ako sa naisip ko at tumalikod na lang. Sorry miss, kahit gaano ka pa kaganda, kung cosplayer ka, wag na lang. Saka ako naglakad palayo. Bad trip.

Otaku Lab- LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon