Chapter Three- Doppelganger

347 8 4
                                    

Author's Note

Hello! Sa mga nagbabasa o sumusubaybay ng Otaku Lablab (kung meron man), pagpasensyahan niyo na kung medyo mabagal at napakadalang akong makapag-update. Una, madaming nangyari sa aking buhay. Ikalawa, madami akong ginagawa hehe at ikatlo, kinapos ako ng ideya ng sweet na lovestory. Mahirap isulat ang di mo pa naexperience. LOL

Heto na po ang isang maikling update. Sana ay magustuhan niyo! :)

Lablab,

Ryouko 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------> 

Hiniram ko po ang isang larawan ng isang cosplayer. Yan po pala ang itsura ng cosplay ni Princess dito sa kwento.  ^^,

Thanks po kay BLACK BUTTERFLY ng Deviant Art.

------------------------------------------------------

Chapter 3 - Doppelganger

Princess' Point of View

“Wow, Fairy Tail, tara papic tayo.” Narinig ko ang isang babaeng nagsasalita habang palapit sa akin. Hawak niya ang kanyang digicam at excited na humingi ng permiso saken para makapagpapicture. Kasama niya ang dalawa pa niyang kaibigan

‘Bisca, papicture ha?”

Tumango lang ako at nagpose na tulad ni Bisca, hawak ang baril at nakapameywang. Tumabi naman sa akin ang tatlong dalaga at nakipose na rin kasama ko. Hiniram ng isa ang baril ko at ginaya ang pose ko. Natapos na rin ang photo session at umalis na ang tatlo, pero pagkatapos noon ay may lumapit na naming isang grupo at nakipicture na rin.

Flash flash flash.

Unti-unti ay umaagaw ng atensyon ang mga kislapan ng camera ng mga photographers, otaku at common tao na natutuwa sa mga cosplayers. Unti-unti ay dumarami ang mga taong kumukuha ng larawan ko. Di ko na alam kung saan titingin. Di ko alam kung anu-ano na ang pose na gagawin ko, nauubusan na ako.

Ilang minuto din ay natapos na rin ang aking picture moment. Off character muna ng ilang sandali. Tumalikod ako para tingnan ang gamit ko na iniwan ko sa isang sulok, ayun, buhay pa naman siya at wala pa namang kumukuha. Kasama pa rin naman niya ang mga gamit nina Alexis at Carol. Speaking, asan na nga pala yung mga yun?

Tumingin ako sa paligid para hanapin ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko sila mahanap. Nasaan na kaya ang mga yun? Malamang naggala na naman at naghanap ng mga Imbang cosplayers para kunan ng picture. O di kaya nakidnap na ng mga photographers. Err, mabenta kasi yung dalawang yun pagdating sa cosplay field.

Sinimulan kong maglakad papunta sa kabilang dulo ng hall. Anlawak nga pala nitong SMX Convention Center. At andaming tao, madaming cosplayers, madaming photographers, madaming otaku, madaming usisero. Nagkalat si Hatsune Miku, iba ibang version. Nagkalat din ang mga nakaVampire Knight uniform, pwede na silang ilagay sa isang room para magklase. At nagkalat ang mga robot, malaki at astig na mga robot.

Naglakad-lakad ako habang hinahanap sina Alexis at Carol. Bawat kumpulan, tinitingnan ko kung isa sa kanila ang subject ng mga photographers.

Nasa gitna na ako ng Function Hall 5 at 4 nang may namataan akong isang lalake, na parang kakilala ko. Likod pa lang, kahawig ni Christian. Si Christian nga ata yun!

Nakatalikod sa akin ang lalake at tuloy-tuloy na naglalakad papuntang Function Hall 3. Itim ang buhok, malapad ang balikat at nakasuot ng itim na T-shirt. Walang dalang kung ano pwera na lamang sa camera na nakasabit sa leeg niya.

Aba, akala ko ba magkocosplay to ngayon kasama ang girlfriend niya? Nakakapagtataka.

Bestfriend ko si Christian, kababata ko at kalaro. Kaeskwela mula kinder hanggang highschool. Noong college lang kami nagkahiwalay dahil magkaiba kami ng kursong kinuha. Kumuha ako ng Philosophy and Letters habang siya naman ay nag-Information and Technology, pareho na kaming third year college ngayon.

Matagal na din kaming di nagkakausap. Magmula ng nagsimula siyang manligaw sa isang schoolmate namin na aspiring cosplayer din, di ko na siya nakakausap masyado. Dumalang na rin ang mga paglabas-labas at lakad namin. Ang mga food trip na dati eh halos araw-araw eh nanging minsan na lamang sa isang lingo. Hay naku! Pag-ibig!

Binilisan ko pa lalo ang lakad ko para mahabol lang si Christian. Kahit paano, namiss ko rin ang mokong na to at ngayon ko lang yata siya makakausap ng masinsinan. Ngayon lang din ako makikibalita kung girlfriend na nga ba niya o MU lang sila ng babaeng yun. Chismosa? Haha.

“Christian!” Tinawag ko ng mahina ang pangalan niya. Kaya lang, sa dami ng tao, nilunod lang ng ingay ng kwentuhan attugtog ng music ang boses ko.

“Christian!” Bahagya kong nilakasan ang boses ko para marinig niya, pero wala pa ring epekto. Nakakaasar naman tong lalakeng to, bingi.

“Christian!”

Sumigaw na ako ng malakas para marinig niya ako pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

“Christian, wait.”

Grabe naman tong lalakeng to, kung makalakad, parang tumatakbo. Brisk walking? May marathon? Ang hirap kayang maglakad ng nakaheels tapos nakacostume pa. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa ginagawa ko, nakikita ko ang iba na gustong patigilin ako para makapagpapicture pero hindi ko muna sila pinansin at todo habol ako sa lalaking to na bingi na ata. Ilang hakbang na lang, naabutan ko rin. Hinablot ko yung likod ng damit niya para tumigil, sakto naman na may nagmamadaling mama sa likuran ko, naitulak niya ako papunta kay Christian. Napakapit tuloy ako lalo sa kanya at napasubsob pa yung mukha ko. Amp naman na mamang yun. Inayos ko ang wig ko pati na rin ang damit na suot ko.

“Grabe ka Christian, ang bilis mo maglakad, hindi mo pa ako pinapansin.” Patuloy ko habang inaayos ko ang costume ko. “Bat ba nagmamadali ka?” Sabay angat ko ng mata para tingnan ang reaksyon niya.

Pero iba ang nakita ko.

Iba.

Dahil hindi si Christian ang lalakeng nasa harapan ko. At nakatitig siya sa akin na parang naiirita.

“Hindi ako si Christian. Tsk.” 

Otaku Lab- LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon