Chapter Ten- Meetings

270 7 3
  • Dedicated kay Esther Pantorillo
                                    

Author's Note:

Salamat sa pagbabasas, heto na ang Chapter 10. Pasensya na natagalan, nabusy sa maraming bagay. Kapatid, para sayo to. Mwah! :)

Lablab, Ryouko <3

----------------------------------------------------------------------------

Chapter Eleven- Meetings

Namulat ako sa amoy ng sinasangag na kanin at pinapakuluang kape. Ang sarap ata ng almusal ngayon. Naisip ko lang, ang aga magluto ni mama ng almusal. Usually, halos magpang-abot na ang agahan at tanghalian lalo na pag walang pasok. Nakakapagbreak si mama sa araw-araw na maagang gising.

Nag-inat ako at niyakap muli ang unan sa tabi ko. Parang ang lambot ng kama ko ngayon, ang sarap tuloy matulog. Napapikit ako uli at pabalik na uli sa panaginip nang biglang bukas ang pinto.

“Gising na…”

Isang mahinang boses ang tumawag mula sa pinto. Binaon ko ang mukha ko sa unan at pumikit pa.

“Maya na Carl, sabihin mo kay mama matutulog pa ako…”

Naramdaman kong naglakad palapit sa kama. Hinanda ko na ang sarili ko sa pang-aasar ni Carl. Lagi nitong hinahatak kumot ko pag sinabi ko na matutulog pa ako.

“Gising na…” May bahagyang tapik at yugyog akong naramdaman sa balikat ko. Himala, mabait ata ang kapatid ko ngayon. Dahil ba masarap ang almusal?

“Mamaya na… Kunin mo na lang share ko sa agahan…” Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at pinalis ang kamay na yumuyugyog sa akin.

“Gising na nga…” Patuloy pa rin akong niyuyugyog.

“Iho, gisingin mo na ang bisita mo at kakain na…”

“Yes mom… tsk. Ayaw naman gumising.” Bigla akong napabalikwas ng bangon sa narinig ko. Sigurado akong hindi boses ni mama ko yung nagsalita, tsaka bisita daw? Mom? Hindi naman mom tawag ni Carl kay mama.

Nagpalinga-linga ako at pinagmasdan ang kinaroroonan kong kwarto. Hindi nga ito yung kwarto ko, kaya pala ang lambot ng kama. Kulay pink ang wallpaper ng kwarto ko, at hindi ganto kalaki. OMG! Sala na ata naming ito o kusina. At kaya din pala hindi hinatak ng inaakala kong kapatid ko yung kumot ko, ay dahil hindi siya si Carl. Si Bryce pala, naglalakad na palabas ng kwarto. Nakasuot to ng pajama at putting shirt at may dala-dalang unan. Tumigil siya bago tuluyang lumabas saka ako nilingon.

“Tayo ka na, kakain na tayo…” Saka naglakad palayo. Mabilis naman akong bumangon at inayos ang higaan. Tinupi ko ang mga kumot aat inayos ang kama. Hinanap ko rin ang bag ko at nakita ko iyon sa tabi ng bedside table sa tabi ng kama. Mabilis kong kinuha ang suklay at sinuklay ang magulo kong buhok.

Ano bang nangyari at bat andito ako? Wala ako maalala masyado. Tumayo ako at pumasok sa CR para maghilamos at magmumog. Maya-maya narinig kong may pumasok uli sa kwarto, si Bryce na naman, may dalang tuwalya.

“Ito gamitin mo.” Kinuha ko sa kanya ang tuwalya at pinunasan ang mukha ko. Magtatanong na sana ako kung anong nangyari at bat andun ako sa kanila pero biglang tinawag kami ng mama niya, kaya hila-hila niya akong lumabas ng kwarto.

Pumasok kami sa dining area at nakita ko ang mama ni Bryce na naglalagay ng pagkain sa mesa. Nakabihis ito na parang executive sa isang company, ibang-iba sa mama ko.

“Good morning po…” Bati ko sa kanya sabay yukod.

“Good morning iha, sige maupo na kayo. Nauna na ang Dad mo, may kailangan asikasuhin sa studio.” Wika nito kay Bryce, saka umupo na rin para kumain.

Otaku Lab- LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon