Chapter Two- Im sorry for being a closet cosplayer :P

440 11 5
                                    

Author's Note:

Sorry kung natagalan, heto na ang kasunod na chapter ng Otaku Lablab. Salamat sa pagbabasa! :)

Comments please. ahaha!

PS> anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay dahil sa experience. XD muwah!

------------------------------------------------------------

COSPLAY PHOTO-----------------> KEIKO (JENNY) OF GHOST FIGHTER

Credits to: Sophia Pellisoli

Chapter Two

Pagdating ko ng bahay, diretso agad sa kwarto para magpahinga. Grabe, napagod talaga ako. Nananakit yung mga paa ko sa maghapong kalalakad. Ang sarap sa pakiramdam kapag tinanggal mo yung masisikip mong damit tapos magsusuot ka ng pambahay. Woo.

Bumaba ako sa kusina para puntahan si mama. As usual, nagluluto ng meryenda naming magkakapatid, Okoy! Paborito ko! Yum yum!

“Ma, andito na ako. Hehe.” Sabi ko habang humihila ng upuan sa hapag kainan at umupo. “Luto na yan?”

“Malapit na. May juice sa ref.” Wika ni Mama habang binabaliktad yung piniprito niyang okoy. Winasiwas niya yung kamay at tinuro ang ref para sabihin na andun ang juice. Kumuha ako ng baso at nilabas ang pitsel ng orange juice. Nilagyan ko yung baso ko.

“Ma, gusto mo?” Alok ko.

“Sige lang. O eto, luto na. Mainit.” Nilapag ni mama ang pritong okoy sa mesa at tinulak ang plato papunta saken saka siya nagpunta sa lababo para maghugas ng kamay. Umupo siya sa isang silya sa harap ko. “Nakahanap ka ng tela?”

“Yes ma! Mura nga yung kuha ko eh. Kumuha ako ng 2 yards para may extra.”

“Bumili ka ng zipper at iba pang kelangan mo?”

“Opo mama, binili ko na lahat. Sana matapos natin agad!”

“Matatapos natin, patingin uli ako ng damit na gagayahin mamaya. May manila paper ka pa naman di ba?”

“Opo, meron pa. Sige mama, akyat muna ako sa kwarto, ayusin ko lahat ng kelangan natin.” Inubos ko yung juice at hinugasan yung baso. Tinakpan naman ni mama yung ibang okoy na para sa mga kapatid ko. Pagkatapos maghugas, umakyat na ako sa kwarto.

Ang swerte ko noh? Supportive kasi ang parents ko. Nung una, kala ko magagalit sila saken dahil nagkocosplay ako. Kaya naman ginalingan ko sa klase, para wala masabi sina mama at papa. Nung una, anime lang ang alam nila na hilig ko. Hindi nila alam, ginagaya ko na din sila.

Naalala ko tuloy, nung first cosplay ko, fourth year high school ako noon. Nag-usap kami nina Alexis at Carol na magkocosplay. Gusto ko talaga icosplay si Jenny ng Ghost Fighter. Kaya naman, sinabi ko nay un yung kukunin ko na character. Si Alexis naman, Sailor Mercury ang gusto at si Carol, si Bulma. Gaya ngayon, namili kami ng tela sa Divisoria. Nag-ipon ako ng todo para makapagpatahi. Fourth year palang ako nun, maliit pa ang baon. Napagtyagaan naman at nakaipon din ng pangcostume, pati pambili ng wig, grabe! Yun yung iniyakan ko ng dugo, ang mahal ng wig lalo na yung hindi mukhang fake. Isang libo din yun. Naalala ko pa nung binasag ko yung piggy bank ko, tas nakita ako ng kapatid ko.

“Ate, bat mo pinatay si Ms Piggy?” tanong ni Jillian saken, 10 years old pa lang siya nun at Grade 3 pa lang. Tig-isa kami ng coinbank, sa kanya si Mr Piggy, saken si Ms Piggy. Nakatulala pa ako sa basag na coinbank at sa nagkalat na coins sa sahig. Nalulungkot ako at wala na si Ms Piggy.

“Ha? Eh kasi, me kelangan akong bilhin eh. Sana wag magalit si Ms Piggy.” Dinampot naming yung mga basag na piraso ng alkansya at tinapon. Babye Ms Piggy,salamat sayo at makakabili na ako ng wig. Mabuti na lang at hindi ako sinumbong ni Jillian kina mama.

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now