Chapter Seven- So we meet again

304 9 5
                                    

Author's Note:

Hi guys! Really thanks for reading Otaku Lablab until now. Medyo mabagal lang ang updates dahil night duty ako recently. Thanks for supporting! Ryouko LABLAB you all!!

Lablab, Ryouko <3

---------------------------------------------------------------

Chapter Seven- So we meet again

“HOY!” Naramdaman ko ang tulak sa noo ko ng taong kaharap ko sa mesa. Ay, si Carol at Alexis pala ang kaharap ko. Andito kami ngayon sa Mcdo para magmeryenda.

“Ano bang nangyayari sa iyo at kanina ka pa nakatulala diyan? Di mo ginagalaw pagkain mo, sige ka lalamig yan.” Tinuro ni Carol ang large fries at cheeseburger na nasa tray ko. Dumampot ako ng isang fries at nginuya iyon.

“Lumamig na nga.” Sabi ko at sinimulan ko ng lantakan ang paborito kong fries.

“Paano kanina ka pa nakatulala. Mula nang umuwi tayo galing meeting eh kanina ka pa spaced-out at panay buntong hininga.” Si Carol, habang iniinom ang kanyang paboritong double chocolate frappe. Malapit na iyong maubos, kaya napagtanto ko na kanina pa nga ako nakatulala dahil sa malalim na pag-iisip.

“Ano ba nangyari sayo? Ano ba nangyari sa meeting kanina? Wala namang kakaiba bukod sa nakilala natin mga photogs natin.” Patuloy pa niya.

“Yun na nga!” Tumigil ako sa pagkain at uminom ng coke. “Yun nga yung problema ko, yung photog ko. Huhu!”

“Bakit? Anong problema mo kay Bryce? Mabait kaya yun.” Si Alexis habang inuubos ang kanyang Caramel Sundae.

“Ha, eh kasi nga. Paano ko ba sasabihin?” Napakamot na lang ako ng ulo. Hindi ko pa pala nakukwento sa kanila ang nangyari noong BOA. Masyadong naokupa ang utak ko nun sa mga nagdaaang eksena kaya naman ng nakita ko sila, sobrang tuwa ko at pakiramdam ko nasave ako sa kung anong problema.

“Basta, bad vibes ako sa kanya. Ahehe…” Napangiti ako ng alanganin. Tiyak sasabihin ng mga ito eh-

“LAME! Napakalame na reasoning!” Sabay pang sambit ng dalawa. Sabin a nga ba eto sasabihin ng mga to eh.

“Paano mo naman nasabing bad vibes? Tsaka ikaw ba yan Cess? Hindi ka kaya prejudiced na tao.” Si Alexis habang parang imbestigador kung mang-usisa.

“Oo nga, eh kanina mukhang okay naman ang pag-uusap niyo ah. Tango ka nga ng tango feeling ko andami niyong magagandang idea para sa shoot.”

Akala niyo lang yun, di niyo alam para akong ginigisa sa sarili kong mantika kanina. Pinagpapawisan ako ng matindi, nanginginig ang tuhod ko at hindi ako makatingin ng diretso kay Bryce habang nagpaplano. Feeling ko sinisilaban ang upuan ko at hindi ako mapakali. Tsaka…

Tuluyan ko ng naalala ang mga eksena kanina.

Flashback

“Ah, eh…” Hindi ko alam ang sasabihin ko ng makaharap ko na si Mr Sungit, este si Bryce. Ang walanju naman ng isang emong photographer na to, talagang ipagsigawan pa na ito ang partner ko! Kakaasar! Lumapit ako sa table kung saan siya pumuwesto, malapit yun sa bintana. Umupo ako sa silyang nasa harapan niya.

“Hi, partner tayo.” Alanganing mangiti ako o mangiwi kaya naman inabot ko na lang ang kamay ko kanya para makipagkamay.

“Princess, pwede mo rin akong tawaging Cess kung gusto mo.” O kea Ms Clumsy gaya ng sabi mo dati. Sa isip-isip ko.

“Bryan Ace, Bryce for short. Nice to meet you.” Inabot niya ang kamay ko nakipagkamay. Maya-maya nilabas, binuksan nito ang bag niya at may kung anong hinahanap.

Otaku Lab- LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon