Chapter Twelve- Fishing Frenzy

215 6 6
                                    

Author's Note

Hello! Thanks for all readers who voted, liked and added me as a fan as well as those who place Otaku Lablab in their reading lists! OMG! I didnt expect that there would be a few who will like this fantasy (my own fantasy) story of mine. Thanks for sticking around guys! :)

-Lablab,

Ryouko <3

-------------------------

Chapter Twelve: Fishing Frenzy

Heto na naman kami, pauwi na at ito na naman ako sa isang sitwasyong pinakaayaw ko. Iyong nasa sasakyan tapos sobrang tahimik. Okay lang yung tahimik na pagod, o yung tahimik dahil ubos na ang pwedeng pagkwentuhan. Pero yung tahimik na may tensiyon, ayoko. Hays!

Hindi na talaga umimik tong si Bryce. Nilipat ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga sasakyan at mga bahay na nadadaanan namin. Bigla ko na namang naalala ang eksena kanina, hindi talaga ngumiti si Bryce kanina. Pero doon sa picture nila dati, ang saya nilang tingnan. Parang sobrang close nila, parang matagal na silang magkakilala.

A curious mind searches for answers.

Kaya heto ako, sinusubukang magfish ng information.

“Matagal na kayong magkakilala?” basag ko sa katahimikan, nakatingin pa rin sa labas para di ko makita if ever ang magiging reaction ni Bryce. Kung magalit at isegwey ang topic eh di okay, di naman magmumukhang napahiya ako di ba?

“Nino?”

Nagulat ako at sinagot din ako ni Bryce. Humarap ako para tingnan ang reaction niya. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa daan, focus sa pagdadrive.

“Ni Black Rock Shooter.”

Biglang umasim yung mukha ni Bryce pagkasabi ko ng mga salitang iyon. Para tuloy gusto ko bawiin ang mga nabitawang salita. Hay naku Princess, chismosa kasi eh!

Makalipas ang ilang segundo, tiningnan ako ni Bryce sa rearview mirror saka sumagot.

“Oo, matagal na.”

“Talaga? Gaano katagal?” Patay malisyang tanong ko. Sabay tingin na din sa daan, at turo-turo ng directions para di masyadong mahalata.

“Since elementary. Playmates kami, schoolmates, classmates.”

“Wow, antagal na pala. Matagal na din ba siyang cosplayer?”

“Hindi ko alam. Siguro five years…”

Niliko ni Bryce ang kotse sa isang kanto, ilang kanto na lang pala at malapit na sa amin.

“Mukhang kilala siya ng marami sa cosplay world. Pati photogs.”

“Oo, kilalang-kilala siya ng mga photographers, lalo nan g batch ko.”

Ehem, teka. I smell something fishy. Sarcasm ba ang narinig at naramdaman ko mula kay Bryce? Parang ang lalim ng pinaghugutan eh!

“Talaga? In fairness pala sa kanya, ganda at sexy niya. Keri naman niya ang Black Rock Shooter cosplay niya.”

“Tsk.” Simpleng sagot ni Bryce, parang ayaw na pag-usapan. Kung pwede lang siguro supalpalin ako at sabihing ‘tama na, chismosa’, kanina niya pa ginawa. Pero wala, curious talaga ako. Iba pa naman ako pag nakucurious, nagiging chismosa. LOL

“Bati ba kayo? Para kasing magkagalit kayo noong BOA eh…” Sinisilip ko ang reaction ni Bryce sa mirror, mataman naman itong nakatingin sa labas.

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now