Chapter Seventeen- New Friends

167 6 6
                                    

One time 2 Chapters upload! Enjoy! :)

---

Chapter Seventeen- New Start

Tama nga ako, matapos ang birthday party ni Rianne, hindi ko na nakita ang anino ni Bryce. Ni hindi nga siya pumunta sa last day meeting ng Shoot to Live. I trust naman na naibenta na nga ni Bryce ang mga pictures na kinuha niya, dahil hindi din naman ako kinulit ni Alexis na magsubmit ng feedback about doon. Pero hindi na siya nagtext, ever. As in wala na. Gusto ko nga sanang kumustahin siya or ewan, namimiss ko lang sigurong makita siya pero useless na din. Ano namang sasabihin ko? Hi Bryce, miss na kita? Shoot tayo minsan?

Bukas ay official start na klase. Last sem ko na rin sa college, makakagraduate na rin ako. Ang thought na iyon ang nagpapasaya na lang sa akin, pati na rin ang iba’t ibang conventions na inaabangan ko. Hinahanda ko na ang mga gamit ko pamasok bukas nang biglang may nagtext sa akin.

Unknown Number: “Psst. Hime!”

Ako: Sino ka?

Unknown Number: Ang magiting mong ninja.

Ako: Weh? Tinatamad akong makipaglokohan. Bye!

Maya-maya tumatawag na ang unknown number na nagtext sa akin. Nag-aalalangan pa akong sagutin pero dahil ilang beses na ring tumawag, sinagot ko na.

“Enzo.”

“Ha?”

“Sabi ko, si Enzo to. Musta ka Hime?”

Naalala ko bigla noong marinig ko ang boses, si Enzo pala na partner ni Rianne sa Shoot to Live.

“Hoy, haha. Ikaw pala. Eto nag-aayos ng gamit para sa school.”

“Talaga? Sayang!”

“Bakit? Papasama sana ako bumili ng gamit eh. Kapatid ko kasi nasa states, bukas pa uwi. Eh wala pa siyang gamit sa school.”

“Ah, akala ko sayo.”

“Okay lang ba, kung papasama akong bumili ng gamit sa iyo? Di ako makapili ng mga bag na pambata eh.”

“Ilang taon na ba kapatid mo?”

“Seven. Hehe. Babae, mahilig sa pink. Barbie?”

“Ahaha. Ang sweet mo namang kapatid. Sige, sasamahan kita. What time ba?”

“Mga after lunch, 1PM okay sayo?”

“Okay lang. Sama ko kapatid ko, okay lang?”

“Sige, kahit buong pamilya mo pa.” Parang naririnig ko ang ngiti ni Enzo sa telepono.

“Ahaha, sige,kita na lang tayo. Saan ka ba mamimili?”

“Sunduin ko na lang kayo ng kapatid mo sa inyo. 1PM ha? Thanks Hime, you’re the best!” Binaba na nito ang phone.

Alas onse pa lang ng tanghali, maaga kaming kumain ng lunch ni Jillian, sinabihan ko na ring maligo at lalabas kami. Pinaalam ko na kay mama ang lakad namin, okay lang naman sa kanya.

Quarter to 1, may humintong sasakyan sa harap ng bahay namin. Sinilip ko sa bintana at nakita kong bumaba si Enzo, kumaway pa sa akin.

“Ma, andito na pala sundo namin. Teka, papakilala ko sayo.” Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Enzo. Nagulat naman yata si mama at ibang tao ang kaharap niya, akala niya yata si Bryce ang kasama ko.

“Good afternoon po.” Greet ni Enzo kay mama, sabay mano na rin.

“God bless you. Ikaw na bahala sa mga dalaga ko ha.” 

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now