Chapter Ten- Scare Tactics

252 7 6
  • Dedicated to Esther Pantorillo
                                    

AUTHOR'S NOTE!

Thank you Kapatid! :) Para sayo tong chapter na to dahil sinusubaybayan mo ang Otaku Lablab, kasama na si Ran! hahaha thanks po sa mga nagbabasa at sumusuporta. alam nio naman, kahit isang sumusubaybay ay sapat na para ipagpatuloy ko tong story. :)

Post ko muna yung picture ng cosplay ni Princess, si Nemuru Kushinada. Andito sa sidebar yung pic. gagawa sana ako slideshow ng cosplayer na nakakuha ng saktong gusto kong mangyaring shoot, pero ampangit ng pagkadownload ko kaya maya na lang. Hanapin ko muna. :)

Atat lang akong mag-update kaya heto na :)

Lablab, 

Ryouko

------------------------------------------------------------------------

Chapter Ten- Scare Tactics

“Anong kailangan mo?” Gulat na sabi ko dahil seryosong mukha ni Bryce ang bumungad sa akin. Hawak niya sa isang kamay niya ang isang napakahabang kahoy at sa isang kamay naman ay ang pares ng heels kong suot ko kanina. Hinablot ko sa kamay niya ang heels at nilapag sa lupa.

“Ano yun?” Ulit kong tanong. Medyo kinakabahan ako sa kinikilos ni Bryce. Bigla kasing tumatahimik ito at hindi nagsasalita, di ko mabasa ang isip. Di ko alam kung galit o seryoso lang. Gaya ngayon, di ko alam kung kakabahan ba ako. Nakakatakot kasing isipin na magagawa akong saktan nitong si Bryce, sa ganda niyang lalake, hindi siya mukhang killer or rapist. Pero nakakalinlang ang itsura, di ba sabi nga nila, Don’t judge a book by its-

“…mo.”

“Ano?” Nagsasalita na pala si Bryce, hindi ko napansin. Gumana na naman kasi ang inner mind theater ko at kung ano-ano na ang naisip ko.

“Props mo.”

“Ah props. Anong props?”

“Yung sa ikocos mo ngayon…” Napakamot na lang ng ulo si Bryce. Saka ko lang naalala ang props na sinasabi niya.

“Ah oo nga pala! Yung props, ayun, andun sa kotse. Sorry ha, ginulat mo kasi ako napatanga tuloy ako.” Lumabas ako ng tent at pumunta sa kotse. Dahil bukas naman iyon, kinuha ko ang isang napakalaking plastic na naglalaman ng aking props. Hila-hila ko iyong dinala malapit sa kumot na nilatag ni Bryce at nilapag doon.

“Yan na yun?” Tanong ni Bryce na nakasunod pa pala sa akin.

“Oo, eto na yun.” Nilabas ko mula sa plastic ang scythe ng character kong si Nemuro Kushinada. Blade lang ng scythe ang nagawa ko dahil wala akong nakitang material para sa handle ng scythe.

“Wow. This is art…” Manghang sabi Bryce habang pinagmamasdan at hinahawakan ang props ko. Gawa iyon sa cardboard na nilagyan ng Styrofoam at paper mache para magmukhang 3D at magkaroon ng kapal. Pinatag ang surface at pininturahan ng silver gamit ang spray paint. Gamit ang glue gun, sinulat ko ang mga Japanese characters sa blade ng scythe, saka pininturahan ng silver din at konting black para may shadow at magkaroon ng depth.

“Okay ba?”

“Amazing! Ang galing mong gumawa ng props ah!”

“Haha, oo ilang taon ko na ring ginagawa eh.”

“Sige, tuloy mo na pagbibihis mo at ako na bahala dito.” Tumayo na ako at iniwan si Bryce na inaayos ang scythe. Kaya pala me hawak siyang kahoy, para sa scythe pala yun. Muli akong pumasok sa tent at sinimulan na ang pagmemake up sa sarili. Hindi ako ganoon kagaling magmake up, pero sa tulong ng you tube tutorial, medyo humusay naman ang skills ko kahit konti.

Matapos ang lahat ng pag-aayos, lumabas na ako ng tent. Nakita ko si Bryce na hawak hawak ang camera niya at kinukuhanan ng shots ang finish product niya. Napatingin ako sa langit at doon ko napansin na madilim na pala.

Otaku Lab- LabWhere stories live. Discover now