"No problem my love.." Nakangiting sagot niya na nagpakaba saakin, nakakainis si Andres, bakit kailangang magbago ang isip niya? Kung kailan mapapalapit na ako kay Stephen at saka pa siya nag change plan.

Hating gabi na, tulog na tulog na si Andres kaya naman ginalaw ko ang cellphone niya, hinanap ko doon ang number ni Mela at tinext ko ito na pumunta siya sa hotel na pinagtutuluyan namin ni Andres. Kailangan nilang magdate bukas, dahil nakatanggap ako ng tawag kanina mula kay Stephen na mamamasyal daw kami sa may taal volcano.

"Kailangang matupad ko ang pagpapakasal ni Andres kay Mela." Bulong ko atsaka nagtalukbong na ako ng blanket.

Kinabukasan nagising kaming dalawa ni Andres sa malakas na ring ng telephone dito sa hotel room, napabalikwas pa nga si Andres para sagutin iyon, tinignan ko lang siya habang pupungay pungay pa ang mata ko.

"What?" Kunot noong hiyaw niya atsaka tumayo mula sa kama, nanlaki ang mata ko dahil nakaboxer shorts lang siyang kulay itim at naka-top less! Walangya ka Andres! Ang aga aga binubuksan mo yung heater ng katawan mo!

Sumunod na nagring ang cellphone niya,kaagad niyang sinagot iyon habang nagbibihis siya sa harapan ko ng pants niya, napalunok ako ng sunod sunod kaya naman nagtalukbong na ulit ako ng blanket!

"Oh my god! My virgin eyes, pikit Vana.. Palagi ka nalang pinagsasala ng lalaking iyan, ipikit mo ang mata mo." Bulong ko sa ilalim ng blanket pero natigilan ako nang marinig kong nagsalita si Andres.

"Hindi kita tinext Carmela." Paglilinaw niya na nagpalaki sa mata ko, napapatawa nalang ako dahil halatang naiinis siya.

"Nasa tapat ka na ng pinto? I'll open the door." Aniya at maya maya pa narinig ko na ang pagbukas ng pinto at ang boses ni Mela.

"Hi!" Masiglang bati ni Mela.

"Hindi kita tinext."

"Tom, ano ka ba, okay lang wala naman akong masyadong gagawin ngayon. Dala ko na yung mga pinadala mong gym materials." Sabi nito, nagkunyari akong bagong gising at umunat unat.

"Oh? Mela??" Pagkukunyari ko.

"Oh! Hi Rhyme? Kumusta ang Tagaytay?" Nakangiting tanong nito saakin at pumasok na siya sa loob ng hotel room.

"Eto sobrang lamig." Sagot ko sakanya, napansin ko naman ang malamig na titig saakin ni Andres, mukhang may idea na siya sa ginawa ko pero lakompake.

"Wow, edi todo honeymoon kayo?" Panunuya ni Mela na nagpaubo saakin ng sunod sunod.

"Yes of course." Natatawang sagot ni Andres na nagpabilog sa dalawang mata ko, ang sama ng ugali nitong lalaking ito!

"Wow, so okay lang bang maki join ako sa inyo mamaya sa pag gagala? Gusto ko kasing malibot ang Tagaytay." Sabi nito.

"Sure!!!" Inunahan ko na si Andres sa pagsagot dahil halatang tatanggi siya.

"Sasama si Stephen mamaya eh!" Sigaw ko, sumama nanaman ang tingin saakin ni Andres pero inirapan ko lang siya.

Alas diyes na ng umaga, hinihintay nanamin ngayon si Stephen dito mismo sa may taal volcano, grabe sobrang lamig. Panay na nga ang ihip ko sa kamay ko para mainitan pero malamig pa rin.

"Grabe, kulang yata ang dala kong jacket." Natatawang sabi ni Mela.

"Cold?" Usisa ni Andres.

"Obvious ba?!" Humahalakhak na sagot ni Mela, napatingin saakin si Andres pero pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Alright." Ani Andres at nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ang kamay ni Mela at siya mismo ang humipan non, pilit inilalayo ni Mela iyon pero hindi siya pinakawalan ni Andres.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now