STBFL: Chapter 9

Magsimula sa umpisa
                                    

"Para kang bata." Bulong niya, panay ang hikbi ko. "Ang sakit mo kasing magsalita, pakiramdam ko ako na yung pinaka tanga sa panangin mo." Humihikbing sabi ko sakanya, tinitigan niya ako sa mata ko.

"Ganun mo ba talaga siya kamahal?" Usisa niya saakin, hinampas ko ang dibdib niya pero ako pa talaga ang nasaktan dahil masyadong matigas ang abs nitong si Andres.

"Paulit ulit ka naman Andres, diba sinabi ko na nga sayo? Mahal ko si Stephen." Bulyaw ko sakanya, napansin ko ang paglunok niya ng sunod sunod, kasunod non ang paghugot niya ng napakalalim na paghinga.

"Alright, tutulungan kita, in one condition." Bulong niya, napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon.

"Hahayaan mo akong gawin.ang gusto ko habang kasama mo ako sa bahay ko." Seryosong sabi niya na nagpabilog sa dalawang mata ko.

"Seriously Andres?!!" Hiyaw ko sakanya pero hindi manlang siya nagulat saakin, nakakainis, heto nanaman siya, nagpapakabosy nanaman.

"Yeah, seriously Vana, I really don't know kung anong nasa isip ko ngayon, nagagago na ako." Sabi niya kasabay non ang paghinga niya ng malalim, napaawang ang bibig ko dahil sobrang seryoso ng mukha niya. Anong nangyari kay Andres? Pumasok lang siya sandali sa cr para sagutin yung tumawag sakanya tapos ganyan na siya?

"You can't be serious!! I'm not going to marry you!" Bulyaw ko sakanya, never in my life na magpapakasal ako sa kagaya ng Daddy ko na puro trabaho ang nasa isip! As in never!

"The hell Vana? I am your fiance!"

"Oo! Pero two months lang tayong mag fiance!" Hiyaw ko sakanya atsaka lumayo ako sakanya, tumayo ako doon sa may glass window at humalukipkip habang titig na titig ako sakanya.

Napansin ko ang mariin na pagpikit ng mata niya, naihilamos niya ang palad niya sa mukha niya at para bang hinahabol niya ang paghinga niya sa sobrang kaba. Muli niyang hinuli ang mga mata ko at halos hindi ko makaya ang lalim ng pagtitig niya saakin.

"Dalawang buwan lang Vana, I'll help you with Stephen, pero hahayaan mo akong gawin ko ang gusto ko habang nakatira ka sa bahay ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napahawak ako sa buong katawan ko! Lahat ng gusto niyang gawin?! Ibig sabihin pati yung virginity ko kukuhanin niya?! My god! Hindi ko pinangarap na ibigay ito sa lalaking walang sex life!

"Andres! Ang manyak mo." Kinakabahan na sagot ko sakanya, sa totoo lang sobrang seryoso ng mukha niya ngayon, para bang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya.

"I'm not Vana." Diretsong sagot niya saakin. "I'm not going to rape you, bullsht." Matigas na patuloy niya, halata sa mga mata niya ang pagkainis saakin.

"Bakit ba biglang pumasok yan sa isip mo ha Andres?" Bulyaw ko sakanya, "Gusto kong mag work yung plano ng parents natin." Para akong kinurot ng kung ano sa puso ko.

"Papayag ka na sa kasunduan?" Halos ibulong ko nalang iyon sakanya.

Umiling iling siya, "Hindi ko kailangan ng kasunduan ng parents natin, susundin ko lang ang plano nila on my own way."

Tumayo siya at humalukipkip.

"I can be a better man for you Vana.." Aniya na nagpalundag sa puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Alright, papayag akong makipag date kay Mela. Pero hahayaan mo akong makipag date sayo." Patuloy niya.

"No Andres!" Hiyaw ko sakanya.

"Are you afraid of falling in love with me, Vanalein?" Seryosong tanong niya saakin, lumunok ako ng sunod sunod.

"O-of course not! Hindi ako maiinlove sayo ano! Okay, sige. Makikipag date ka kay Mela para malaman mong siya talaga ang dapat mong makatuluyan." Suhestiyon ko sakanya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon