Chapter 34

8.4K 428 61
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 34

Kinumbinsi siya ni Chino na umuwi na muna para makatulog naman siya ng maayos. Sa pamimilit nito ay umuwi rin naman siya at iniwan itong nakabantay sa Lolo niya. Kasama naman nito ang Daddy niya kaya alam niyang hindi naman ito masyadong mahihirapan sa pagbabantay, isa pa ay naroon din naman ang nurse ng Daddy niya.

Ang kabilin bilinan sa kanya ng asawa ay natulog siya ng mahimbing at magpahinga ng matagal tagal dahil iyon daw ang kailangang kailangan niya.

Matutulog na sana siya nang may mag ring ng doorbell niya.

Napasimangot siya dahil kakahiga pa lang niya. Kung narito si Chino ay tiyak na magagalit iyon dahil hindi pa man lamang siya nakakapahinga ay may tatawag pa mula sa gate nila.

Bumangon siya at pinuntahan ang gate. Nang buksan niya iyon ay delivery guy iyon.

Kinumpirma nito ang address sa kanya at sa asawa niya naka pangalan ang document na dala nito. Natuwa siya dahil ang bahay na niya ang itinuturing na rin nitong bahay nito. Sabagay, napag usapan na naman nilang sa siyudad ay dito dila habang sa Quezon ay doon sila sa bahay nito.

Nagpasalamat siya sa delivery guy kinuha na ang dokumentong dala nito.

Sinuri niya ang packaging. Napakunot ang noo niya nang mabasang galing iyon sa isang address na pamilyar sa kanya, parang alam niya iyon ngunit hindi niya ma recall kung saan iyon nakita.

Binuksan niya iyon. Wala naman sigurong masama kung titingnan niya ang laman niyon.

Letter of Agreement and Confirmation

Napadako ang tingin niya sa ibaba ng papel para tingnan kung kanino galing ang letter.

Juan Bernardo Alivia, CEO – Le Café Philippines

Lalo siyang napakunot at napahigpit ang pagkakahawak niya sa papel. Binasa niya iyon at para siyang mapupupusan habang dumadako ang mga mata niya sa nga kasunod na salita sa liham.

Anong ibig sabihin na tinataggap ng Le Café ang terms na hinihiling ni Chino kapalit ng Cosiarelli? Ano ring ibig sabihin na wala ng Cosiarelli? Accepting Cosiarelli to be part of Le Café Philippines?

This can’t be.

Napahawak siya sa kwintas na bigay nito.

No. He won’t do such thing.

Dala ang dokumento ay mabilis siyang lumabas at bumalik sa ospital. Kailangan niyang linawin ang mga ito sa asawa niya.

Hindi niya maintindihan ang nangyayari? Anong ibig sabihin ng mga hawak niyang dokumento? Binuklat niya ang iba pang laman ng envelop at naroon ang photo copy ng deed of sale na notaryado ng abogado.

Deed of sale? Naroon ang pirma niya sa ilalim, ang saksi ay ang asawa niya at nakapirma na rin doon ang kumakatawan sa Le Café katibayan ng pagkakasunduang binibili na ng Le Café ang Cosiarelli.

Naramdaman niyang pumatak ang mga luha niya. Paulit ulit niyang binabasa ang mga papel at umaasang mapapalitan ang mga nakasulat doon pero hindi iyon nangyari.

Twelve FourWhere stories live. Discover now