Chapter 10

10.7K 517 105
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 10

“Hija, sa bahay ka ba pinatuloy ni Chino?” Tanong nito sa kanya habang patuloy silang naglalakad.

“Opo, nakilala ko po ang inyong asawa kanina.” Sagot niya rito.

“Mabuti kung ganoon. Daluhan mo kami bukas ng gabi sa maliit na pagdiriwang namin. Niloloko ako ng mga anak ko na senior citizen na ako.” Sabi nito at nakuha niya ang ibig nitong sabihin.

“Happy birthday po, Sir.” Bati niya rito.

“Salamat, hija. Teka, nasaan na ba itong magaling kong anak at nawala na? Tsk, baka pumunta r’on kay Isabel.” Mas kausap nito ang sarili tungkol sa huling sinabi kaysa sa kanya.

“Sino po si Isabel?” Tanong niya rito ngunit ramdam na naman niya ang mabilis na tibok ng puso niya at ang pagngingitngit ng kalooban niya.

“Ah, hindi ko alam kung katipan ba iyon ni Chino o ano, marami kasing kinahuhumalingan ang batang ‘yon pero pagdating naman sa negosyo ay totoong seryoso.” Sabi nito sa kanya.

Huminga siya ng malalim at hindi sumagot sa mga sinabi nito. Ibinalik na lamang niya ang usapan nila tungkol sa kape.

-

Pangalawang araw na niya roon at hindi niya man lang nakikita ang anino ni Chino. Nahihiya na siya sa mga magulang na Chino pero ano namang gagawin niya? Sinusubukan niyang tawagan si Chino pero hindi ito sumasagot. Nasaan naman kaya ang lalaking iyon at basta na siya iniwanan? Ni hindi man lang magsabi kung saan pupunta.

Ayon dito ay may kakausapin lamang itong tao, dalawang araw na bang nag uusap ang mga ito? Anong klaseng pag uusap ba iyon at ganoon katagal?

Baka ang Isabel na sinasabi ng ama nito ang kausap nito kaya dalawang araw na ay nag uusap pa rin!

-

Kasama ulit siya sa farm ng ama ni Chino. Kasama siya nito dahil nawala na lamang si Chino. Ayon sa mga magsasaka ay umalis ito dala ang pick up nang nagdaang araw pa!

Maigi na lamang at mabait naman sa kanya ang mga magulang nito.  Ipinakita nila sa kanya na hindi lang kape ang nasa taniman, marami ring prutas ang naroon at kahit papaano ay nalilibang naman siya.

Gusto niyang magmukmok at sumimangot na lamang pero ito siya at nakikipag ngitian sa ama nito. Pakiramdam niya ay napaka peke niya.

Umaahon ang galit sa dibdib niya sa katotohanang iniwanan siya nito. Ni hindi man lamang ito namaalam sa kanya. Wala naman siyang ineexpect mula rito pero sana ay nagpaalam pa rin ito sa kanya.

Nang makabalik sila sa bahay ay umakyat siya sa itaas upang magpahinga. Naupo siya sa upuan sa may maliit na balkonahe at tinanaw ang dagat. Iniunat niya ang mga binting kanina pang sumasakit sa upuang katapat niya. Ang sakong niya at talampakan ay namumula na rin. Pinagsisisihan niyang hindi siya nagdala ng ibag sapatos maliban sa suot niya.

Naalala niya iyong nakaraan na minasahe ni Chino ang kanyang paa at binti. Umiling siya dahil ayaw niyang alalahanin pa iyon dahil hindi iyon maganda para sa kanya. Muli siyang tumanaw sa malawak na karagatan.

Napaka ideal ng lugar na iyon para sa nagmamahalan. Naisip niya ang mga romantikong pelikulang napanuod niya noong college siya. Talagang ang mga ganoon ay sa mga kwento lang nangyayari at hindi sa tunay na buhay.

Pumikit siya at hinayaan niya ang mukhang sumalubong sa hanging nagmumula sa dagat.

-

Maingay sa ibaba at naririnig niya ang ugong ng sasakyan doon. Nagising siya dahil doon idagdag pang pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Kulay kahel na ang langit at nag aagaw na ang dilim at liwanag, napakaganda ng kulay ng kapaligiran.

Twelve FourWhere stories live. Discover now