Chapter 29

9.8K 451 117
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 29

Naglalakad sila sa bayan at nagkahugpong ang mga kamay nila. May ilang tao na tumitingin sa kanila dahil gaya nga ng sabi ng asawa niya ay magkakakilala lamang ang halos lahat ng mga taga roon. 

Nagpunta sila sa cake shop nila Julian at may ibinigay si Esso saa kapatid ni Julian. Nakita naman niya ang pamangkin daw ni Julian na si Thyme.

“Cute name for a cute kid.” Sabi niya. Mukhang related sa mgaa hilig ng mga ito ang pangalan ng mga bata sa pamilya. Si Esso at si Sophia ay ibinase sa kape ang pangalan ng anak. Kung sila kaya?

“Anong pangalan ng anak natin?” Tanong ni Chino. Parang nabasa nito ang laman ng isip niya.

“Huh?” Napatingin siya rito.

“Yung anak natin, anong ipapangalan natin, hindi malayo na mabuntis ka. We’re doing it without protection.” Bulong nito sa kanya at alam niyang namula ang pisngi niya.

“Hindi ko pa naiisip ‘yan.” Sabi niya rito.

“Why don’t we get you pregnant?” Sabi nito. Pinandilatan niya ito at napatingin siya sa paligid, baka may nakakarinig na sa kanila.

“Sira! Pero pwede naman.” Mahinang sagot niya. Ngumiti naman si Chino at hinawakan ang kamay niya.

“Kambal din kay magiging anak natin?” Biglang tanong nito. Hindi ito nakatingin sa kanya kaya hindi siya sigurado kung siya ba ang tinatanong nito o ang sarili.

“Kagulo tayo kung parehong lalaki, parang kami ni Esso tapos okay lang din kung parehong babae pero parang okay kung tig isa.” Sabi nito. Bumitaw ito sa kamay niya at humalukipkip. “Dapat pala mag isip na ako ng pangalan.”

Napangiti naman siya sa sinasabi nito at wala sa loob na napahawak sa may puson niya.

-

Masama ang tingin ni Isabel sa kanya nang puntahan nila ito ni Chino. Hindi naman siya nag rereact dahil negosyo naman ang ipinunta nilang nag asawa roon. Isa pa ay masyado siyang masaya para makipag away.

“So tatawad pa kayo? Sinong gustong tumawad?” Tanong ni Isabel at nakataas ang kilay sa kanya.

“Ako, I mean kung makakatawad kami ng isang daang piso kada kilometro kuwadrado ay kukuhanin namin, pero kung hindi ay hindi na rin.” Sabi ng asawa niya.

“Bakit? Binola ka ba nitong asawa mo? Okay na tayo diba? Nag usap na tayo n’ung nakaraan at na settle na natin ito.” Sabi nito at halatang halatang pinag iinitan siya nito. Pinilit naman niyang kalmahin ang sarili niya para sa negosyo at asawa niya. Hindi niya papatulan ang babaeng ito.

“Yes and no, actually she wanted me to buy it. Ako ang hesitant plus hindi pa tayo tapos mag usap, ang sinabi ko noon ay gusto kong bilhin aang lupa pero pag iisipan ko munang mabuti.” Sabi nito.

Gusto naman niyang magsalita at suportahan ang katwiran ng asawa pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang ayaw din sa kanya ni Isabel. Baka lalo lamang maapektuhan ng komento niya ang pag uusap ng dalawa. Ayos na sa kanya na isinama siya ni Chino para harapin ito.

“Bakit biglang nagbago ang isip mo?” Sabi ni Isabel at humawak sa braso ng asawa niya. Noon tumaas ang kilay niya.

“Hindi naman maliit ang ilalabas naming pera, isa pa ay may pagkakagastusan pa kaming iba. Kung hindi ka papayag ay hindi na namin kukuhanin ang lupa.” Sabi ni Chino rito.

“What? You can’t be serious!” Hysterical na sabi ni Isabel.

“Gaya ng sabi ko ay hindi pa naman tayo nagkakasundong talaga. Wala pa tayong pinal na usap tungkol dito.”

Twelve FourWhere stories live. Discover now