Chapter 24

9.7K 453 83
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 24

Dumating din sa bahay aang Daddy ni Sophia at mabait din ito sa kanila. Nag yaya ang mag anak nila Pia na pumunta sila ng manggahan at excited namang sumama silang lahat.

“Ay ang ganda, parang resort din pala rito.” Puna ni Rachel sa manggahan. May mga cottages kasi roon at malapit pa sa tabing dagat.

“Buti po hindi nasira rito nung bumagyo.” Sabi niya sa Daddy ni Pia.

“Oo nga hija. At buti na lang din at hindi panahon ng mangga n’on dahil masisira sana ang mga mangga ay sayang naman kung ganoon ang nangyari.”

“Sayang wala si Esso, magaling magbalat ng mangga ang batang ‘yon.” Sabi pa ng Daddy ni Sophia. Ngumiti naman si Sophia at lumapit dito.

“Miss mo naman ang manugang mo, Dad.”

“Maigi rin naman sa wala ang asawa mo.” Sabi ng Daddy ni Sophia na maging sila ay natawa na rin.

-

Parang pare-pareho silang napakurap nang makita sa tapat ng bahay nila Sophia ang isang itim na SUV. Sa labas ng sasakyan ay naroon ang limang lalaki.

“I told him we’re here at ang bibilis naman ng mga lalaking ito. Narito na rin kaagad.” Si Rachel.

“It’s okay. Let’s have some fun na lang din with them.” Sabi ni Martha.

“Hindi na tayo nakapag solo, palagi na lang baka buntot ang mga ‘yan.” Sabi ni Rachel.

“Hayaan mo, sa susunod magtatahan din ang mga ‘yan sa kakabuntot sa atin.” Sabi naman niya sa mga ito.

Mukhang ang asawa niya ang nagmaneho ng sasakyan.

Nang isa isa silang bumaba ay nakangiti ang mga loko.

“Papaano ang restaurant?” Tanong kaagad ni Pia kay Esso.

“May supervisor naman d’on. Saka wala ng gagawa ng kalokohan sa mga ‘yon. Alam na nila abg gagawin nila.” Sabi ni Esso.

“Hi.” Muntik na siyang mapalundag nang marinig ang boses ng asawa niya sa likuran niya. Pumaling naman siya rito at tinanguan lamang niya ito.

“Galit ka pa rin sa’kin?” Tanong nito sa kanya.

“Just because I’m talking to you doesn’t mean I’m not angry anymore.” Sabi niya sa mahinahong tinig. Napabuntong hininga naman ito sa sinabi niya.

“I see.” Sabi nito.

“Tara na sa loob!” Tawag ni Esso sa kanila. Nakaakbay ito sa asawa at panay ang halik nito sa sintido ni Sophia.

Nang lingunin naman niya ang iba pa niyang mga kasama ay panay na rin ang lambingan ng mga ito. Napayuko siya. Gusto niyang mainggit pero wala naman siyang aasahan sa magaling niyang asawa. Hindi rin naman niya kailangan ng peke nitong pakikitungo sa kanya.

Tumunghay siya at sumunod na lamang kila Esso sa loob ng bahay.

-

Umalis din sila kaagad sa bahay nila Sophia dahil nahihiya na silang manatili doon. Bigla naman kasing dumoble ang bilang nila.

Gusto sana niyang tumutol nang magyaya ang mga ito sa bahay nila Chino pero lahat naman ng kasi ng mga ito ay iyon na ang sinasabi. Nahihiya naman siyang kabukod tangi na naman siyang tututol. 

Dumaan sila ng palengke at nagpasya si Esso at Julian na magluluto sila ng barbeque, kumpleto ang binili ng mga ito. Hanggang sa alak ay kumpleto.

Twelve FourWhere stories live. Discover now