Chapter 8

10.5K 494 163
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 8

Nang dumating sila sa trial court ay agad na pumasok si Chino sa opisina ng Judge. Sumunod siya rito at nakita niyang bumati rito si Chino na parang matagal ng magkakilala ang dalawang ito.

“Judge Reyes, this is Lauren, my bride.” Sabi ni Chino at humawak itong muli sa likuran niya, may kasamang haplos iyon pababa sa balakang niya. It sent shiver down her spine.

“Good morning po.” Bati niya at ngumiti. Inialok niya ang kamay niya sa Judge at kinamayan din siya.

“Good morning din, hija. Aba, at ano ang ipinakain sa’yo nitong si Chino? Maraming kalokohan ang batang ito.” Sabi ng Judge at napalingon siya kay Chino.

“H’wag kayong maingay, Ninong.” Sabi ni Chino at kumindat pa. Nagtawanan ang dalawang lalaki at hindi niya alam ang gagawin kaya tipid na lang siyang ngumiti.

“Sandali, bakit ba kayo nagmamadaling makasal, ito bang katipan mo ay buntis?” Bulong ni Judge kay Chino pero narinig pa rin niya iyon.

“Hindi pa, Ninong pero bubuntisin ko na kaya magpapakasal kami, baka makawala pa eh.” Pabulong na sagot ni Chino. Muli siyang nakaramdam ng kakaibang kilabot. Pero pinigilan niyang matawa nang sapukin ito ng Judge dahil sa sinabi nito.

Sinamaan niya ng tingin ang walangh’yang lalaki pero wala namang naging epekto iyon dito.

Namaalam naman muna sila rito at pumasok na sila sa loob ng korte at naupo roon. Tumabi ito sa kanya, sa dinami dami ng bakanteng upuan roon ay naupo ang magaling na lalaki sa tabi niya.

Ngayon lamang yata ito hindi amoy sigarilyo.

“Ninong mo ba si Judge?” Tanong niya rito.

“Sa Boy Scout.” Sagot ni Chino habang nakatingin sa relo nito.

“Boy Scout?” Naguguluhang tanong niya.

“Oo, binibinyagan din kapag Boy Scout at Girl Scout noong nasa grade school diba? Ninong ko siya dati doon.”

“And you are close with your Ninong sa boy scout?” Tila hindi makapaniwalang tanong niya rito.

“Yes. Lagi kaming nagkikita at sinusuplyan ko siya ng kape sa bahay nila.” Sabi ni Chino.

That’s so childish!

“Don’t worry about him, he won’t tell anyone about us. Nag usap na kami ni Ninong at siya na ang bahala.”

-

“Nasaan ang witness niyo, bakit dadalawa kayo?” Tanong ni Judge sa kanila, nagkatinginan naman silang dalawa ni Chino.

“Hindi ba pwedeng kayo na lang din?” Tanong ni Chino kay Judge.

“Ikaw na bata ka, ako na nga ang Ninong niyo ako pa rin ang witness? Tumawag ka ng isang kakilala mo. Kung hindi ka lang malakas sa akin.”

“Iyong sekretarya niyo na lang.” Sabi naman ni Chino at napabuntong hininga si Judge.

“Wala ka bang kakilalang iba? Wala ba kayong kasama man lang?” Tanong ni Judge sa kanila at sabay silang napailing na dalawa.

“Ito ang hirap sa inyong mga kabataan, mapupusok kayo masyado.” Sabi ng Judge sa kanila at lumabas ito. Hindi naman niya alam kung natatawa ba siya o ano. Nawala rin naman talaga sa isip niya na kailangan nga pala ng saksi sa ganoon.

“Wala ka bang kakilala?” Tanong sa kanya ni Chino.

“Wala.” Sagot niya at umiling.

“Meron ako pero ayaw kong tawagan ang isang ‘yon. Kapag tinawagan ko siya at nalaman niyang ikakasal tayo, hindi pa man tayo nakakalabas ng trial court ay tiyak na alam na ng buong bayan.” Sabi nito at inilabas ang cellphone.

Twelve FourWhere stories live. Discover now