Chapter 6

11.9K 484 125
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 6

Nang makakain silang dalawa pinakuha na nito sa kanya ang mga gamit niya na ginawa naman niya. Naiinis siya sa sarili dahil nakikinig siya sa mayabang na lalaking ito.

Lumabas ulit siya ng building at dala ang bag at naroon na ito. Nakatayo ito at nakahalukipkip sa may lamp post. Pigil niya ang hininga nang ngitian siya nito. Naka sunglasses ito pero alam niyang sa kanya ito nakangiti. Ang gwapo ng lalaking ito at nakakapikon ang pagka brusko nito.

Gusto rin niyang alisin aang toothpick na kagat kagat nito kanina pa. May oral fixation talaga ang lalaking ito, malakas manigarilyo at hindi pwede ng walang kagat kagat.

“Is that your car?” Hindi makapaniwalang tanong niya nang buksan nito ang pintuan sa driver’s seat ng isang pick up na puro tilamsik ng putik. Kitang kita pa mandin iyon dahil kulay puti ang kulay ng pick up nito.

“Yeah, may problema ba?” Tanong nito at umiling naman siya. Huminga siya ng malalim at sumakay na rin katulad nito.

Hindi man lang siya ipinagbukas ng pinto ng magaling na lalaki.

Ineexpect niyang amoy sigarilyo ang loob niyon pero nagkamali siya. Mabango at malinis ang loob ng sasakyan taliwas sa panlabas na hitsura nito.

Sana ay ganoon din ang may ari pero duda siya, mukha kasing kabaliktaran ito ng sasakyan nito. Maganda ang panlabas pero basura naman ang loob.

“Kailan ka huling nag pa car wash? Maputik ang labas ng sasakyan mo.” Tanong niya rito, gusto lang din niyang may mapag usapan sila bukod sa negosyo dahil wala ng ibang bukang bibig ito kundi negosyo.

“Last week. Maputik pauwi sa bahay dahil umulan doon noong nakaraang gabi.” Sagot nito at ini-start na ang sasakyan.

“Saan ka ba nakatira?” Kunwari ay hindi niya alam.

“Poblacion.” Tipid na sagot nito.

“You mean Poblacion in Quezon Province?” Tanong niya ulit. Nag react siya na tila iyon ang unang beses na nalaman niya ang tungkol doon.

“Yes.”

“That far? Everyday ka bang umuuwi?”

“Minsan kapag kaya ko pa pero madalas ay mga tatlong beses sa isang linggo. Malapit lang ‘yon.” Sabi nito.

“Malapit? I don’t think so.”

“Malapit lang kung walang traffic.” Sabi nito at ngumiti sa kanya.

“Malayo pa rin.” Sagot niya.

“I’ll bring you there next week. Naroon ang farm at gusto kong makita mo iyon, ipapakita ko rin sa iyo ang winery.” Sabi nito habang nakatingin sa daan at tumango lang siya. Hindi niya alam kung nakita nito ang tugon niya.

Napatingin naman siya sa singsing na nasa daliri niya. Kumikislap iyon, lalo pang nadadagdagan ang kislap nito sa tuwing tatamaan ng sikat ng araw at alam niyang sumasalamin ang kislap niyon sa mga mata niya na hindi niya kagustuhan.

Kung bakit ba nanlalambot siya dahil sa lalaking ito?

-

“What?” Masungit na tanong niya rito nang hagurin siya nito ng tingin, maski nakasuot ito ng sunglasses ay alam niyang hinahagod siya nito ng tingin. May naglalarong ngiti sa labi nito at gusto niyang burahin iyon.

“You don’t look like someone dress for the farm.” Puna nito sa kanya at tiningnan niya ang sarili. Sa stilettos niya ay mahihiya ang mga runway models. Ang palda niyang lampas tuhod niya ay humahakab sa balakang at sa hita niya, ang blouse niyang kulay krema ang itinerno niya rito. Talagang hindi pang bukid ang bihis niya dahil sa opisina siya galing. Ano bang ineexpect ng lalaking ito?

Twelve FourWhere stories live. Discover now