Chapter 3

14K 611 98
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 3

Napabuntong hininga siya nang makita ang sales nila ngayong buwan. Mas bumaba pa ito kaysa sa mga nakaraang buwan nilang kita. Hindi pa naman siya nalulugi pero dahil sa bumababang kita nila ay nagsisimula na siyang kabahan. Hindi na siya pinapansin ng Daddy niya mula nang sabihin niya rito ang income ng pinamamahalaan niyang sangay ng business nila.

Sinabihan pa siya nito na papalitan siya bilang director kung magpapatuloy ang pagbagsak ng income niya.

Hindi naman siya pwedeng magalit sa competitor niya dahil sobrang tagal na rin ng kalaban niya sa industriya ng paggawa ng kape. Bukod dito ay may ilan pa siyang kalaban.

Siya ang nakaisip na pasukin ang business na ito at ayaw siyang payagan ng Daddy niya pero mapilit siya kaya kinalaunan ay pumayag din ito. Kaya ganoon na lamang ang sigasig niyang panatilihin itong matatag. Hindi siya makakapayag na mauwi sa lahat ang pinaghirapan niya, ang ipinaglaban niya.

Ilang taon na ang nakalipas mula nang magsimula siya at alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin tiwala sa kanya ang Daddy niya. Ang Lolo naman niya ay matanda na at hindi na rin naman siya para umasang ipagtanggol nito mula sa Daddy niya, kaya kakayanin niyang itaguyod ito. Gagawin niya ang lahat maisalba lang ang negosyong sinimulan niya.

Alam niya kung saan sila nadadaig. Bukod sa marketing strategy ay nadadaig din sila pagdating sa presyo. Hindi man kasing sarap ng kape nila ang sa competitor niya ay mas mura naman ito, pero ayaw niyang isakripisyo ang kalidad ng kape nila para lang sa mas mababang presyo.

Pumasok ang secretary niya at nag angat siya ng tingin dito.

“Ma’am, meron pong gustong mag pa appoinment sa inyo.”

“Sino at bakit daw?” Tanong niya rito.

“Mr. Chino Arvesu po.” Sa sinabi ng sekretarya niyang si Jessica ay napatuwid siya ng upo. Pamilyar sa kanya ang apelyido nito at alam niyang ito ang kasalukuyang namamahala ng Arvesu Coffee and Wine. Noon ay kape lamang ang business ng mga nito pero nang nagdaang taon ay nagsimula itong pumasok sa winery.

Hindi niya direktang kilala ang lalaki pero ayon saa mga nakakakilala ritong kilala rin niya ay pareho raw silang dalawa. Hindi pa rin niya ito nakikita at wala siyang ideya kung anong itsura ng lalaki.

“Ano raw agenda niya?” Tanong niya rito.

“May gusto raw po siyang i-suggest sa inyo tungkol sa negosyo. Wala pong ibang sinabi ang secretary niya, pero gusto raw pong mag set ng meeting ng boss niya sa inyo.” Sagot ni Jessica sa kanya.

Mabilis siyang nag isip. Iisa sila ng interes at iisa rin sila ng pinaka malaking kalaban.

“Sige, tell them I’ll meet him up.” Sagot niya rito at mabilis na tumalima si Jessica.

Mapasandal siya upuan at napaisip kung anong klaseng business ang gustong mangyari ng lalaki. Palagay niya ay sasamantalahin ng lalaki na mababa ang income ng business niya pero pwede ring makikinabang siya sa kung ano mang sasabihin nito.

-

Mas nauna siyang dumating sa kung saan sila magkikita. Sinabi niyang sa opisina na lamang nila magpunta ito pero ayaw nito kaya wala siyang nagawa kundi pumayag na lang din sa gusto nito.

Twelve FourWhere stories live. Discover now