Chapter 31

9.2K 559 139
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 31

“Sir, I already married your daughter.” Sabi ni Chino habang kumakain sila ng hapunan.

Napatigil naman ang Daddy at Lolo niya sa pagkain habang napahawak siya sa braso ng asawa. Kinakabahan siya pero wala rin naman siyang planong umatras, galit na rin naman sa kanya ang Daddy niya kaya hindi na siya dapat pang matakot.

“Ang ibig sabihin ay mag asawa na kayo?” Tanong ng Lolo niya.

“Yes, Lolo.” Sagot niya at itinaas ang kamay niya para ipakita rito ang singsing niya.

Ngumiti ang Lolo niya at hinagip ang mga kamay niya.

“Congratulations, sandali at bibili ako ng regalo ko sa inyong dalawa. Magmahalan kayo at palagi niyong irespeto ang isa’t isa. Always, trust, respect and love one another.”

“Yes, Sir.” Sagot ni Chino.

“Tawagin mo na rin akong Lolo.”

Ngumiti naman ang asawa niya at tumango rito.

“Kailan pa kayo nagpakasal?” Tanong ng Daddy niya. Sumagot naman si Chino.

Kinuha ng asawa ang kamay niya at pinagsalikop ang mga kamay nila sa ilalim ng lamesa.

“Ilang buwan na pala. Well, bahala kayo, matatanda na kayo.” Sabi ng Daddy niya.

Nagpatuloy lang silang kumain ng tahimik. Nang matapos sila ay kausap siya ng Lolo niya habang si Chino ay kausap ng Daddy niya. Ayaw niyang sumali dahil sa study room ng Daddy niya na ngayon nag uusap ang dalawa at hindi na sa garden, tiyak siyang seryoso ang pag uusap ng mga ito.

-

“Nagpakasal na pala ang pinaka maganda kong apo.” Sabi ng Lolo niya sa kanya.

“Binobola mo pa ako, Lolo. Ako lang naman ang babae mong apo.” Sabi niya rito at tumawa silang maglolo.

“Hindi ko na itatanong kung masaya ka dahil kitang kita ko na masaya ka, sana ay nakikita ka ng Lola mo ngayon, tiyak na matutuwa iyon.” Sabi ng Lolo niya.

“Lolo, akala ko nga imposible iyong ganitong pakiramdam pero pwede pala. I’m so happy, Lolo.” Sabi niya.

“Mabuti naman at may mag aalaga na sa’yo dahil makakampante na akong magpahinga.” Sabi nito at sumimangot siya.

“Lolo naman, don’t say that.” Sabi niya rito at hinawakan sa kamay ito.

“I’m just saying.” Sabi nito. “Now tell me kung anong gusto niyong wedding gift ko sa inyo?” Tanong nito.

“I have nothing in mind in particular, Lolo. Bahala na kayong mag regalo.”

“How about a trip?”

“Hindi pwede, Lolo. Busy kami pareho tsaka may iintindihin kaming bago. We bought a fifteen hectares of land.”

“Baka sa sobrang abala niyo ay makalimutan niyo namang bigyan ng oras ang isa’t isa.”

“I doubt that.” Sabi niya.

“Sabihin mo sa kanya ay kakausapin siya mamaya, gusto kong makausap ng masinsinan ang asawa mo.” Sabi ng Lolo niya at tumango naman siya.

-

“Anong pinag usapan niyo ni Dad?” Tanong niya sa asawa.

“Negosyo, tulungan daw kita at alagaan daw kita.” Sabi nito. Parang may bumikig sa lalamunan niya.

Twelve FourWhere stories live. Discover now