Chapter 18

10.5K 470 107
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 18

Inalis ng asawa ang suot nito at mayabang na tumayo sa harap niya. Pigil niya ang pagtawa nang hilahin siya nito patayo.

“The water is inviting, Missus. Take it off.” Mapang-akit na sabi nito.

Huminga siya nang malalim at tinaasan ito ng kilay. Nakita naman niya ang pag taas baba ng adam’s apple nito nang hawakan niya ang laylayan ng damit niya at unti unting itinaas iyon pero nalaglag ang panga nito nang hindi niya alisin iyon.

“Oh come on, Wife!” Frustrated na sabi nito.

“Why don’t you take this off for me?” She teased. Ito na nga ba ang epekto sa kanya ng magaling niyang asawa. Pati siya ay nahahawa na sa kalokohan nito.

Ngumisi ito sa kanya at inabot ang zipper sa likuran ng dress niya at ibinaba iyon. She giggled as he pulled down the zipper.

Naramdaman niya ang kamay nito sa likuran niya at nagsalubong ang mga mata nila nang marahan iyong humaplos doon at inabot ang clasp ng bra niya.

“Let’s get naked.” Sabi nito at tuluyan nang inalis nito ang damit niya.

Hinila siya niyo sa medyo malalim na bahagi ng dagat kung saan hindi na abot ng nga paa niya ang ilalim. Napakapit siya sa mga balikat nito dahil hindi naman siya marunong lumangoy.

“I’ve never imagined myself doing this.” Sabi niya rito. Hinawakan nito ang pang upo niya at pinaikot ang binti niya saa bewang nito.

“Skinny dipping?” Tanong nito sa kanya.

“Yes and with a man!” Sabi niya pa.

“Wala namang masama, the island is private and we’re alone. May cottage sa itaas na pwede nating gamitin. Wala kang dapat ikahiya sa akin, asawa mo ako.” Sabi nito sa kanya.

“It’s not that I’m shy.” Sabi niya rito.

“Then what is it?”

“I’m new to all this.”

Ngumisi ito sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

“And that’s what made me so proud of you.”

“You’re proud of me?” Tanong niya rito.

“Yes. You’re doing business and you take care of yourself, may mga nanliligaw sa’yo pero hindi mo pinapansin.” Sabi nito na may halong yabang.

“Excuse me, pinapaalala ko lang sa’yo ang mga dahilan kung bakit ikaw ang naging asawa ko, negosyo lang ‘to.” Irap niya rito.

“Negosyo lang? Hindi sa akin.” Sabi nito at ngumiti sa kanya. Hindi naman niya alam ang sasabihin niya rito.

Hinigpitan naman nito ang yakap sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Napasandal silang pareho sa bangka at nag sorry ito kaagad sa kanya nang mauntog siya sa pakaway ng bangka.

Ilang oras din silang dalawa na nakababad sa tubig. Mas maiging sabihin na naghaharutan lamang sila roon.

Twelve FourWhere stories live. Discover now