Chapter 19

9.9K 462 113
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 19

Iniwanan niyang natutulog pa si Chino sa bahay niya. Tanghali na siyang nagising. Madaling araw na silang nakauwi at tumawag na siya ng taxi dahil nakainom ito. Di hamak na mas lasing dito ang mga kaibigan nito pero halata rin naman talaga na tinamaan na ito.

Ayon kila Rachel ay si Chino raw ang pinaka malakas uminom sa magkakaibigan. Nakakalakad pa naman ang asawa niya pero hindi na iyon tuwid at panay na rin ang kangingiti nito sa kanya ng walang dahilan.

Napapailing na lang siya habang inaalala niya ang nga nangyari sa kanila nang nagdaang gabi. Gusto niya ang mga kaibigan nito. Lahat sila ay mukhang maganda ang impluwensya sa isa’t isa, maliban na lang sa pag inom ng alak ng mga ito.

-

Pagdating niya sa opisina ay inabutan niya si Chris na kinukulit si Jessica sa station nito.

“Hindi ko nga alam kung nasaan si Ma’am, kung hindi sinasagot ang tawag mo ay baka ayaw kang kausap.” Narinig niyang sabi ni Jessica at pinigilan niyang matawa.

“Hi.” Bati niya sa mga ito.

“Lauren!” Sabi agad ni Chris sa kanya.

“Hello Chris.”

Pumasok siya sa opisina at alam niyang kasunod niya si Chris.

“Saan ka galing? Ang tagal mong nawala.”

“Nagbakasyon lang.”

“Nagbakasyon?” Tanong nito pero kakaiba ang tono nito at hindi niya nagustuhan iyon.

“Wala namang masama kung magbabakasyon ako, diba? Ngayon ko lang naman nagawa iyon.” Sabi niya rito at naupo sa likuran ng lamesa niya.

“Kasama mo ba si Chino Arvesu sa bakasyon mo?” Tanong nito sa kanya.

“Yes.” Pag amin niya rito.

“Ano bang relasyon mo sa lalaking iyon? Boyfriend mo ba siya?” Tanong nito at kita niyang nag iigting ang mga ugat nito.

Asawa ko siya.

“Well I don’t need to broadcast my relationship with him. But you can say that we’re going out, he’s also my business partner gaya ng nasabi ko sa siguro sa’yo noon.” Mahinahong sabi niya rito.

“You should at least let me know!”

“I’m sorry Chris but I don’t see any reason to why I should tell you about my personal life.”

Nang sabihin niya iyon ay nag walk out sa kanya si Chris. Ayaw naman niyang saktan ang kaibigan pero ang mga pangyayari ay para rin naman sa ikakabuti ng kompanya.

Nasa ganoon siyang kaisipan nang makareceive siya ng message galing sa asawa niya.

“We should save water.” Sabi nito at napakunot siya.

“Yes I agree, It’ll be good for the environment.”

“True, we should shower together from now on.”

Napatanga siya sa sinabi nito. My goodness, he have something like this in him?! Hindi niya iyon inexpect.

Mag ta-type pa lang siya ng reply dito nang mag ring ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot dahil ang Tatay niya ang tumatawag sa kanya. Madalang itong tumawag sa kanya at hindi naaman ito sumasagot kapag siya ang tumatawag.

“Hi, Daddy!” Bati niya rito.

“Come to the house at isama mo ang sinasabi ni Christopher na boyfriend mo.” Kalmado ang tono nito at malamig pa sa yelo ang boses nito. Kung ganoon ay sinabi na ni Christopher sa Daddy niya ang tungkol sa kanila ni Chino.

Twelve FourWhere stories live. Discover now