Chapter 13

10.2K 504 95
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 13

Alas nueve na ng gabi ay hindi pa siya umuuwi. Naiinis pa rin siya sa walangh’ya niyang asawa. Mula nang umalis siya ay hindi man lang talaga pinuntahan nito, ni ang tumawag ay hindi rin nito ginawa. Hindi na yata siya naalala nito dahil sa babaeng kasama nito.

Sinubukan niyang tumawag dito pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kung anu ano na ang pumapasok sa isip niyang hindi maganda.

Baka kaya hindi siya nito kinukulit ay dahil nakukuha na nito ang gusto sa Victoria Sanchez na iyon. Hindi naman maganda, puro make up lang. Pero ganoon naman talaga ang gusto ng mga lalaki ngayon, iyong madaling makuha.

Nagsimulang humapdi ang mga mata niya. Parang gusto niyang maiyak. Huminga siya ng malalim at tumingala. Hindi siya iiyak, hinding hindi.

Pinatingnan niya si Chino sa sinasabing restaurant daw ng kapatid nito pero ayon sa inutusan niya ay wala ito. Ganoon din ang sagot nito nang sa opisina naman niya ito papuntahin. Iisa na lamang ang lugar na pwede nitong puntahan, ang bahay nito.

-

Nang dumating siya roon ay sinalubong siya ng tatay ng asawa niya dahil tumawag na siya rito bago pumunta. Sinabi naman niya na huwag na itong mag abala na maghanda dahil mabilis lang naman siya roon at may titingnan lang siya. Natuwa naman siya nang hindi ito magtanong dahil hindi na rin niya kailangang magdahilan pa rito.

Pinapasok siya nito sa bahay at sinalubong na rin siya ng may bahay nito. Ang magaling niyang asawa ay naroon sa hapag katabi ang artistang puro kolorete!

Naiyukom niya ang palad niya. Narito pala ang walangh’ya at kasama pa ang babae nito. Napalunok siyang muli, parang gusto niyang manakal.

“Hija, have a seat. Mabuti naman at bumalik ka rito. Ang sabi ng asawa ko ay uuwi ka rin daw kaagad, bakit di ka na muna manatili rito para hindi ka mapagod sa byahe?” Sabi ng ginang sa kanya at ngumiti lang siya.

“Hindi na po, may titingnan lang po sana ako sa farm, hindi ko po kasi ma -contact itong anak niyo kaya ako na po ang sumadya.” Sabi niya at tiningnan si Chino.

Para namang hindi apektado ang magaling niyang asawa. Nakatingin lamang ito sa kanya at may naglalarong ngiti sa mga labi nito.

Anong nakakatawa?!

Napansin niyang sa tapat nito ay naroon ang lalaking palagay niya ay bayaw niya at katabi nito ang babaeng nakita niya noon na kausap nito. Meron ding isa pang dalaga at isang binata na nakaupo r’on sa lamesa. It must be his family at iniisip siguro ng mga ito na katipan ni Chino ang artistang hilaw na katabi nito.

Excuse me, ako ang asawa.

Tumayo naman si Chino at pinaupo siya sa bakanteng upuan sa tabi nito. Walang imik naman siyang naupo r’on.

Parang hindi man lamang ito nakakaramdam ng awkwardness.

“I’m sorry I didn’t answer your call.” Bulong nito at tinaasan niya ito ng kilay.

“’Cause you’re busy with your whore.”  Mahinang sagot niya rito. Hindi naman sila napapansin ng ibang naroon dahil pinag uusapan ng mga ito ang tungkol sa kapatid ni Chino na di Esso at ang babae na katabi nito na si Pia. Mukhang ayon sa itinatakbo ng usapan ay buntis ito.

“That’s not true.” Sabi lang nito sa kanya at patuloy na kumain.

“Oh yeah? Should I tell everyone about us?”

“Lauren …” May warning sa boses nito at tila iyon gasolina na mas nagpaningas pa ng galit niya. Imbes n sumagot ay tiningnan niya ito. Sinalubong niya ang tingin nito.

Twelve FourWhere stories live. Discover now