Chapter 5

11.8K 514 168
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 5

Alam niyang masama na ang tingin niya rito. Ayaw man niyang gawin iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili.

Nag excuse ito sa kanya at lumabas papuntang smoking area. Nakasunod siya ng tingin dito hanggang sa makalabas ito, kasama nitong lumabas iyong lalaking kausap nito nang dumating siya.

Ito ba ang magiging asawa niya? Daig pa ang pugon sa pagpapausok, akala mo ba ay isang tsimineya.

Naitakip niya ang kamay sa mukha, ano bang gagawin niya? Papayag na ba siya? Magpapakasal ba siya dahil sa negosyo?

She have never imagined herself marrying for such reason. Ni hindi rin niya naisip na mag asawa. Muli siyang tumingin sa mayabang na lalaki at napakurap siya dahil may hawak na itong bote ng beer.

Baka mamaya ay gumagamit pa ito ng ipinagbabawal na gamot! Agad niyang kinuha ang cellphone at idinial ang number ng sekretarya.

“Jessica, mag background check ka kay Chino Arvesu.”

“Po?” Tanong ni Jessica.

“Just do it, Jessica and I need it now.” Mariing sabi niya rito.

“Y -yes, Ma’am.”

Lumingon ulit siya sa mayabang na lalaki at nakikipag usap pa rin ito sa lalaking kausap nito kanina. Nagtatawanan ang dalawang lalaki at ito na naman ang panlalambot ng tuhod niya.

Uminom siya ulit ng kape para kalmahin ang sarili pero lalo lamang siyang kinabahan. Maling ideya na uminom siya ng kape ngayon.

Ilang sandali lamang ay nag vibrate ang cellphone niya at may email doon si Jessica sa kanya. Agad niya iyong binuksan.

Chino Arvesu, born December 19.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya dahil puro basic information lamang ang nakuha ni Jessica. Idinial niyang muli ang number nito.

“Jessica, iyon lang ba ang nakuha mo? Hire a private investigator, I want to know everything about him.”

“Sorry po Ma’am.” Hinging paumanhin sa kanya ni Jessica at napabuntong hininga na lamang ito.

“Have you decided yet?” Halos mabitawan niya ang cellphone nang magsalita mula sa likuran niya ang mayabang na lalaki. Katulad kanina ay sobrang lapit na naman nito sa kanya. At bakit ba napakahilig nitong magsalita na halos pabulong na lamang?

“No, I have more things to consider.” Sabi niya at humalukipkip.

“What things?” Sabi nito. Naaamoy niya rito ang pinaghalu-halong amoy ng pabango, beer at sigarilyo. Nakakatupok ng pagkatao.

“We don’t know each other.” Sabi niya. Bukod sa pwede siyang makasal dito ay gusto niya ring malaman kung anong klaseng tao ito. Anong klase ng tao ba ang papapasukin niya sa sarili niyang kompanya para makatulong sa pamamahala?

“Why? Importante pa ba ‘yon? Magkakakilala rin naman tayo pagtagal ng panahon.” Sabi nito.

God! Help me control my temper.

Para siyang nauupos na kandila sa lalaking ito.

“You’re name is Chino Arvesu, you’re the owner of Arvesu Coffee and Wine. What else is there for me to know? Tell me more about yourself.” Tanong niya rito t pilit na pinigilan ang sariling magalit.

“Wow, para akong na attend ng interview. Would you like to oversee my HR Department, Lauren?” Tanong nito at naroon na naman ang nakakalokong ngiti nito.

Twelve FourWhere stories live. Discover now