Chapter 1

41.1K 882 117
                                    

TWELVEFOUR

Chapter 1

Nagulat siya nang may marinig siyang ingay sa may bintana. Napatingin siya sa orasang nasa pader, alas dose ng umaga. Tumayo siya at ibinaba ang binabasang libro para silipin iyon. Binuksan niya ang bintana sa may fire exit stairs at dumungaw doon. Isang lalaking naka kulay itim na jacket at naka baseball cap ang nakasabit sa may bintana ng kanyang kapitbahay at mukhang nagsisigasig upang makapasok. Kita niya ang tumutubong balbas mula sa pisngi at sa baba nito. Bumalik siya sa loob at inabot ang cellphone na nakapatong sa may lamesa at naghanda sa pagtawag, kinuha niya rin ang candelabra na naka display doon para may pang pukpok siya kung sakali. Lumabas siya sa may fire exit para tingnan iyon dahil mukhang nakapasok na sa kwarto na katabi niya. Napaatras siya nang makita niyang naghahalikan iyong lalaki at ang kapitbahay niyang si Stacy, nakayapos sa lalaki si Stacy na hindi malaman kung papaanong kakapit sa kaulayaw.

She gulped when they started to take their clothes off. Ngayon lamang siya nakakita ng lalaking nakahubad na ganoon kaganda ang katawan sa personal! He has a body of an underwear male model. She stepped back, scared that they will notice her watching. Ayaw niyang makasaksi ng mga ganoong kaganapan lalo pa at wala pa siyang karanasan sa ganoong bagay.

It was quite normal in their dormitory that boyfriends of her colleagues were using the window to sneak inside since it wasn’t allowed. The poor security made all these possible but once caught, they will be subjected to dismissal. Isa pa ay mga tsismosa ang mga tao roon at hindi titigil sa pag uusap tungkol sa iyo kung sakaling mahuli ka man. Pero ayon sa mga naririnig niya ay talagang maraming gumagawa noon.

Kinuha niya ulit ang libro at ipinagpatuloy ang pagbabasa noon pero hindi siya makapag concentrate dahil pumapasok sa isipan niya ang nasaksihang tagpo sa kabilang bahay. Ibinaba niya ang libro at ibinagsak ang sarili sa kama at nagtalukbong ng kumot pero bumangon din siya at nagpapadyak dahil hindi mawala sa isip niya ang nangyayari sa kabilang bahay.

-

Patapos na ang pinapanuod niyang movie nang muli siyang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng bintana. Nag aalinlangan siya kung titingnan niya iyon o hindi pero nagwagi ang curiosity niya kaya sumilip siya sa may bintana. Napatitig siya rito  pero hindi niya makitang mabuti ang mukha nito dahil madilim at dahil na rin sa suot nitong cap. Nakabitin ito sa may hagdan at naramdaman yata ang presensya niya kaya nag angat ng tingin sa gawi niya.

“Hi.” Sabi nito sa kanya at ngumisi. Bumilis ang tibok ng puso niya at napalunok siyang muli. Tatawag na ba siya ng pulis?

“H-hi.” Sagot niya rito.

“Shh.” Sabi nito at inilagay ang hintuturo sa labi bilang pagsenyas na huwag siyang maingay. Sa pagtango niya ay bumitaw ito mula sa pagkakahawak nito sa may barandilya ng hagdan at mariin siyang napapikit dahil mukhang hindi maganda ang naging bagsak nito. She opened her eyes and saw him wincing and whining. He was cursing like a sailor.

“Are you okay?” Tanong niya rito.

“Yeah, thanks.” He replied and she saw his perfect set of white teeth, he was grinning from ear to ear. Nanatili siyang nakatingin dito at tumingala naman ito at kumaway sa kanya bago pumara ng taxi at nawala na sa paningin niya.

Napatingin siya sa bintana ng kapitbahay niya. Lumabas siya sa may fire exit para silipin ito at nakita niyang nakahiga na ito sa kama at mukhang tulog na tulog na. Nagkibit balikat siya at bumalik na sa sariling kwarto. Itutuloy pa sana niya ang panunuod nang mapansing alas quatro na ng umaga. Tiniklop niya ang laptop at nagpasyang matulog na rin. May klase pa siya ng ala una ng hapon.

-

“Hello, Lauren.” Bati sa kanya ni Stacy at hindi niya alam ang sasabihin dito. She awkwardly smiled at her.

Twelve FourWhere stories live. Discover now